LUNGSOD NG BAGUIO – Labing-lima sa 44 na ikinandadong painuman ang nagbukas muli matapos sumunod sa permit requirement at iba pang kasunduang nakalagay sa joint commitment kay Mayor Benjamin Magalong nitong nakaraang linggo.
Ang kasunduan ay nilagdaan at isinumite ng nasa 250 bar owners na kabilang sa Baguio Association of Bars and Entertainment Society (BABES) noong Agosto 23 kung saan inisa-isa ang kanilang 10-point commitment upang sumunod sa mga regulasyon nglungsod lalo na sa business permits at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, pagkadisente, at proteksiyon ng mga kabataan at kababaihan sa kanilang operasyon.
Sinabi ni Mayor Magalong sa City Hall Hour-Ugnayan press briefing noong Martes na habang kumbinsido siya sa sinseridad ng mga bar owners sa pagkakaroon ng commitment ay kailangan nilang panatilihin ang kanilang pangako sa mahabang panahon dahil kung hindi ay mapapawalang-bisa ang kanilang mga permit.
Sinabi niya na nagtitiwala siya na mananatili silang totoo sa kanilang ipinangako na babantayan ang kanilang hanay at magsagawa ng sariling regular na pagsisiyasat upang makatulong sa monitoring na isinasagawa ng lungsod, police at komunidad.
Sinabi ni city permits and licensing officer Allan Abayao na sampung establisimiyento ang muling nagbukas matapos mangakong susunod sa inaprubahang line of business na isang restaurant o coffee shop.
Ang limang iba pa mga bars na walang permit at pinayagang magbukas uli matapos makakuha ng kaukulang business lincenses.
Sakanilang commitment ay nangako ang mga bar owners na hindi papayagan ang mga menorde edad na pumasok sa kanilang mga establisimiyento at hindi magisislbi ng alak sa kanila, na maging mapagmatiyag laban sa iligal na droga at mapang-abusong galaw laban sa kababaihan, magkaroon ng mga hakbang upang mapahusay ang seguridad at iwasan maging panggulo, paigtingin ang kooperasyon sa mga tagapagpatupad ng batas at mga barangay, mag-ambag sa mga programa ng komunidad, sumunod sa mga ordinansa na nagreregulate sa kanilang operasyon, kumuha ng tamang business permit at magbayad ng tamang buwis.
Sinimulan ni Mayor Magalong ang pagsawata sa umpisa ng kaniyang termino na personal na sumama sa mga inspeksiyon at pagsasara ng operasyon upang magbigay mensahe na hindi kukunsintihin ng lungsod ang iligal at abusing gawain ng anumang establisimiyento.
Ilan sa isinarang mga establisimiyento ay nag-ooperate bilang bars at nagsisilbi ng alak sa kabila ng pagkakaroon ng permit bilang restaurant o coffee shops habang karamihan ay nag-ooperate na walang business permit.
Tinukoy din ng mayor ang iba’t-ibang paglabag gaya ng pagmomolestiya sa kababaihan, pinapayagang pumasok ang mga menor de edad at pinagsisilbihan ng alak, nag-ooperate na walang permit at pinepeke ang kanilang permit.
APR-PIO/PMCJr.-ABN
September 2, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025