BONTOC, Mt.Province –Labing – dalawa n g kabahayan na tuluyang nasira sa naganap paglubog ng
lupa, samantalang 39 ang bahagyang nasira ang bahay, ang pinagkalooban ng financial assistance ng Department of
Social Welfare and Development-Cordillera sa Sitio Tatabra-an, Barangay Sacasacan, Sadanga, Mt.Province.
Ang 12 benepisyaryo ay pinagkalooban ng P10,000 bawat isa,na may kabuuang P120,000, samantalang tig-5,000
sa partially damaged,na may kabuuang P195,000.00.
Matatandaan, noong Agosto 4 ay biglang nagbitakbitak at unti-unting lumulubog ang lupa sa nasabing sityo at
agad nagsilikas ang mga pamilya sa mga naapektuhang bahay, Hinihinala na ang pagbitak ng lupa at paglubog nito ay may kinalaman umano sa nagdaang magnitude-7 lindol noong Hulyo 27, na nagsimula noong Agosto
5 at mula noon ay patuloy ang paggalaw ng lupa.
Mismong ang Barangay Sacasacan ang nagdeklara ng state of calamity sa lugar noong Agosto 5, upang mapaghandaan ang anumang mangyayari. Ang paglubog ng lupa ay nagtulo-tuloy hanggang Agosto7 na nag-resulta ng pagkasira ng limang concrete houses,4 rice granaries, irrigation at pagkasira ng konkretong kalsada.
Ayon sa DSWD, may kabuuang 51 families ang apektado sa lugar na binigyan din nga food packs,kabilang ang non- food items na umaabot sa halagang P16,800.
Zaldy Comanda/ABN
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025