MGA PATUTSADA NI DIGONG… KALISKISAN!!!

Kung di pa kayo nakarinig ng mga nagrarapidong “pagmumura” gaya ng “putang——” sana nasundan ninyo ang isang yugto ng Senate inquiry o Senate hearing kamakailan kung saan isinalang ang kanilang “resource person” na si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. “Maryusep “ siguro ang mauusal ng mga mababaw ang pasensiya at
mapapamura rin ang walang pasensiya. “Bato-bato sa langit”: Naimbitahan kamakailan ang dating Pangulong Duterte sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyon.

Dito lumabas ang maraming katanungan lalo na sa isyu ng mga pagpatay sa mga diumano’y sangkot sa droga bagama’t ayon sa mga ulat, marami dito ang mga walang kamuwangan sa droga. Yan ang tinumbok ni Sen. Riza
Hontiveros na nagbunga ng tensiyon sa pagitan nila ni Duterte. Kitang-kita ang pagngangalit ng mga pangil este ugat sa pisngi ng dating pangulo dahil sa maaring “inis” o “galit”. Hindi rin nagpatinag ang babaeng senadora at pilit na
inalam ang tugon ng dating pangulo hinggil sa kalakaran ng patayan dahil sa illegal na droga.

Inako ni Digong ang madugong giyera laban sa illegal na droga at tahasan niyang ipinagtanggol ang kanyang naging hakbang kung bakit niya ito ginawa. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee sa War on Drugs…sinabi ni Duterte na hindi daw dapat kuwestiyunin ang kanyang polisiya at hindi siya hihingi ng tawad o magbibigay ng excuses dahil ginawa daw niya ang dapat gawin. Sabi niya: “My mandate as President of the Republic was to protect my country and the Filipino people. Do not question my policies because I offer no apologies and no excuses.

I did what I had to do”..pambungad ni Digong sa pagdinig. Nang uminit ang usapan, ito naman ang sabat niya: “I and I alone, take full legal responsibility sa lahat ng nagawa ng mga pulis pursuant to my order. Ako ang managot at ako ang makulong. Huwag ang pulis na sumunod sa order ko. Kawawa naman, nagtratrabaho lang.” Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado…tinanong nina Minority leader Koko Pimentel at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada tungkol sa pagkakaroon ng Davao Death Squad.

Ang sagot ni Digong: “I can make the confession now if you want. Talagang niyari ko, pero huwag mo namang idamay ang mga pulis, kawawa naman yan. Meron akong death squad, pito, pero hindi yang mga pulis. Sila rin yong mga gangster. Yong isang gangster uutusan ko. Patayin mo yan; kung hindi mo patayin yan, patayin kita ngayon.” Nang tanungin ni Sen. Pimentel si Digong hinggil sa Death Squad…ang sagot ni Digong ay ito: “Hindi naman death squad. Basta alam ng tao sa Davao na nadyan ako at magkamali ka at you commit a heinous crime at walang
mapuntahan yong agrabyado.”

Masalimuot ang ibig sabihin pero sa mga nakakakilala sa dating pangulo, nauunawaan nila ito. Pinanindigan ni Digong na libu-libong tao ang namatay habang siya ay nasa Davao City at binanggit niyang mga kriminal lamang ang namatay. Ito ang matindi sa naturang pagdinig nang sabihin ng dating pangulo na inatasan niya ang mga opisyal ng
pulisya na “hikayatin” ang mga kriminal na “lumaban” para magkaroon sila ng dahilan para patayin sila. Sabin ni Duterte: “Ang sinabi ko ganito, prangkahan tayo…encourage the criminals to fight.

Encourage them to draw their guns..Pagka lumaban, patayin ninyo para matapos na ang problema ko sa siyudad ko.”
Dahil hindi nakapagpigil si Sen. Riza Hontiveros, pinasaringan niya si Duterte na mali ang kanyang ginawa na hikayatin ang mga suspek na lumaban para patayin sila ng mga pulis. Pero ang upak ni Digong kay Hontiveros: “Yan ang pananaw mo. Hindi ito ang aking pananaw. Pagka-mayor, pagka-prosecutor, alam ko, dumaan prosecutor, mayor, presidente, alam ko ang trabaho ko.

Hindi ka nagdala ng siyudad, You never have a chance to solve the problem of the community.” Mahirap maintindihan ang gustong ideretsang sagot ng dating pangulo bagay na sa panig ng common tao…isa siyang lider na ang gusto ay gusto, ayaw makinig sa payo ng iba. Haayy buhay nga naman…malapit na ang eleksiyon lokal at balita namin, tatakbo para mayor si Digong sa Davao City. No comment kami, Adios mi amor, ciao, mabalos.

UNFAZED

Amianan Balita Ngayon