MGA TAGA- BAGUIO HINIMOK GUMAMIT NG PERSONAL NA BAUNAN

LUNGSOD NG BAGUIO – Hinimok ng mga opisyal ng lungsod ang mga residente na gumamit ng personal na baunan o lalagyan kung umoorder ng takeout na pagkain sa kantina ng kanilang mga opisina o paaralan sa lungsod. Sa ilalim ng Resolution No. 515, series of 2022 ay sinabi ng mga konsehal na ang ugaling paggamit ng personal na baunan sa halip na mga disposable containers at malaking tulong upang
mabawasab ang dami ng basura ng lungsod at isang oportunidad para sa mga stakeholder na makaambag ng kanilang bahagi sa konserbasyon at proteksiyon ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagbabawas ng basura.

Kinikilala ng konseho na ang paghahanda at pagbabalot ng isang pagkain bago pumasok sa paaralan o opisina ay isang pasanin sa maraming tao dahil sa pagmamadali at makaabot sa oras. Sa halip na nabalot na pang-tanghalian, sinabi ng konseho na pupipila na lamang ang mga tao sa mga kantina ng mga paaralan o opisina para sa kanilang regular na mga pagkain.

Ayon sa konseho, ang ugaling pagbili ng takeout na pagkain mula sa mga kantina ay maaaring kumbinyente at tipid sa oras, subalit, ang mga ito ay kalimitang isinisilbi sa mga disposable na lalagyan na
dumadagdag sa napakadaming hindi nabubulok na basura na tinutugunan ng pamahalaang lungsod sa solid waste management programs nito na bawasan ang dami ng basura na naiipon at hinahakot palabas ng lungsod.

Iniuutos ng Republic Act (RA) 8003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ang pagtatakda ng mga panuntunan at targets para sa pag-iwas ng basura at pagbabawas. Sa pamamagitan ng Ordinance No. 18, series of 2016, o ang Environment Code of Baguio City, nagbibigay ang pamahalaang lungsod ng mga istratehiya para sa pagbabawas ng solid at liquid waste upang lalong mapigil ang pagkasira ng kapaligiran ng lungsod at mga likas na yaman nito.

Sinabi ng konseho ng lungsod na ang mataas na lebelo ng produksiyon ng basura at walang-humpay na pagtatapon ng single-use food containers ay nagdudulot ng malubha, dimababagong mga epekto at
malaking pinsala sa kapaligiran at ekosistema.

(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon