MGCQ in La Trinidad

Sa panayam kay La Trinidad Mayor Romeo K. Salda ay nakatuon ng pansin kaugnay ng maipasailalim na Covid-19 pandemiya Modified General Community Quarantine at inamin na nagkaroon ng problema sa trapik dahil anya “lumabas ang mga pribadong sasakyan kahit may coding pa ngunit sa mga pampasaherong jeepney na nabigyan lamang ng special permit ng LTFRB ang limitadong pumasada.
Nakaranas kami ng biglang pagdagsa at naipon ang pasahero sa Slaughter Compound, Baguio City noong June 5 at 8 at agaran namin inaksyunan ito sa tulong ng sasakyan ng munisipyo, sasakyan ni BM Nestor Fongwan at ng BODA jeepney na pinamunuan ni Miguel Lumaang ay hinakot namin ang mga pasahero at kalaunan ay naresolba rin ito ng humiling kami ng karagdagan unit na PUV’s sa LTFRB,” ani Salda.
Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang inspeksyon ng kapulisan sa mga checkpoint ng palabas at papasok ng La Trinidad, Benguet.
MAR OCLAMAN/ABN
 

Amianan Balita Ngayon