Microchip implant pangkontrol sa mga ligaw na aso

LUNGSOD NG BAGUIO – Plano ng City Veterinary Office na paigtingin ang kampanya nito laban sa mga ligaw na aso gamit ang microchip implant sa oras na aprubahan ng executive at legislative officials ang kanilang panukalang proyekto.

Ang paggamit ng microchip implant ay palalakasin ang pet ownership at responsibility gayundin mabibigyan kapangyarihan ang barangay officials sa pagmonitor at pagpapababa ng bilang ng mga lihaw na aso sa kanilang nasasakupan ayon kay City Veterinarian Brigit Piok.

Higit sa pagpapababa ng bilang ng mga ligaw na asong nahuhuli at naiimpound ay sinabi ni Piok na sisiguruhin ng microchipping ang mabisa at epektibong pagsunod sa Anti- Rabies Act.

Nais ng lungsod na katuwang ang Petdentity Philippines Inc. sa implementasyon ng proyekto sa isang diskuwentong presyo na PhP250 bawat alaga kumpara sa PhP1, 500 sa mga pribadong veterinary clinics. Ang parehong diskuwentong presyo ay inihandog at ipinatupad sa mga local government units ng Quezon City, Muntinlupa, Cebu, Paranaque, Caloocan at Batangas at iba pa.

Sinabi ni Ryan Figueroa, sales and marketing manager ng Perdentity na ang microchip implant ay kasing-liit ng “isang butil ng bigas” at ituturok lamang ng isang lisensiyadong beterinaryo ng City Veterinary Office upang masiguro na hindi masasaktan ang alaga.

Sinabi pa ni Figueroa na habang ang pet microchips ay hindi tracking devices o GPS, naglalaman ito ng isang radio-frequency identification (RFID) implant na nagbibigya ng permanenteng ID samga alaga na may kumpletong impormasyon sa breed, age, vaccination record, medical, history gayundin ang registered owner at address ng alaga.

Magbibigay ang kompanya ng isang Pet Data Storage System na pamamahalaan at imomonitor ng City Veterinarian.

Ang data ay i-uupload sa Sistema sa oras ng rehsitrasyon at implant ng microchip sa City Veterinary Office kabilang ang mga nagpa-implant ng microhips sa kanilang alaga sa mga pribadong veterinary clinics, ayon kay Figueroa.

Sa sistema ay may access ang mga pet owners sa electronic data ng kanilang mga alaga pang madaling matukoy at malaman ang kinaroroonan nila sa pagdownload ng libreng Perdentity Mobile Application mula sa Playstore. Sinabi ni Figueroa na ang mga tuta at kuting ay ligtas na malalagyan ng microchips matapos ang walong lingo na gulang.

Magsisilibing panghabang-buhay na ID ng mga alaga ang microchip implant. Sa kaso ng pagkawala ng mga aso at pagkagat ay maaaring matukoy ng city at barangay officials kung sino ang responsible gamit ang siang portable scanner upang Makita ang ID ng alaga.

Sa datos mula sa veterinary office ay may 60,000 populasyon ng rehsitradong aso sa lungsod ngunit kalahati o 30,000 lamang ang sumusunod sa taunang anti-rabies vaccination.

JMS-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon