Baguio City
Sa mataas na lugar ng Baguio City, isang maliit ngunit patok na kainan na tinatawag na Mighty Luffy ang unti-unting kinikilala ng mga nursing students at mga kabataang propesyonal bilang paboritong tambayan para sa pre-exam cramming, late night study sessions, at pagtikim ng masasarap na pagkain at inumin, na matatagpuan sa 19A Damoco Bldg, Teodora Alonzo, Baguio City. Ayon kay Jessie Isidro Hernandez, isang nursing student mula sa University of the Cordilleras na malapit nang magtapos, nagsimula ang Mighty Luffy bilang isang maliit na booth lamang ngunit ngayo’y isang bente kwatro oras na cafe. Layunin ng cafe na magbigay ng komportableng lugar para sa mga estudyante upang magtipon, mag-inom, at makatulong sa kanilang pag-aaral.
Ipinaliwanag ni Jessie na ang konsepto ng cafe ay nagmula sa pangangailangan ng kanyang mga kaibigan na magkaroon ng lugar kung saan sila maaaring mag-relax at makipag-socialize pagkatapos ng pag-aaral, sa halip na manatili lamang sa kanilang mga bahay. Dinisenyo ang Mighty Luffy upang maging isang lugar kung saan maaaring kumain, magpahinga, at mag- aral nang sabay-sabay kasama ang mga kaibigan. Dahil sa kakayahan nitong pagsilbihan ang parehong pang-social at pang-akademikong pangangailangan, mabilis itong sumikat sa sektor ng pagkain at inumin sa lungsod. Si Jessie o mas kilalang “Kuya Sid” ay nagmula sa Laguna, siya ay nagtatrabaho bilang Sales Director sa mundo ng Real Estate, kalaunan nagtungo ito sa abroad sa Singapore bilang Retail Manager at muling bumalik sa Pilipinas at narehire sa Real Estate ng SM sa Laguna.
Nagtungo din ito sa Bicol bilang Regional Sales Manager ng Financial Estitution ng Makati, hanggang nagpandemic kaya naisipan nalamang nito na ilabas ang naipong pera upang gawing pangkapital sa negosyo. Sa hinaharap, umaasa si Jessie na mas lalawak pa ang Mighty Luffy, na may mas maraming pagpipilian sa pagkain at inumin, pati na rin ang pagdagdag ng mga bagong lokasyon. Naniniwala ang mga may-ari na mananatili ang cafe bilang isang bukas at maaliwalas na lugar para sa mga estudyante at miyembro ng komunidad na naghahanap ng kumportable, kalidad, at kaginhawaan. Hindi lamang negosyo ang Mighty Luffy, kundi isang mahalagang bahagi ng makulay na buhay- estudyante sa Baguio City.
Lorie Bernadette T. Laririt/UC-Intern
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025