Minero huli sa kasong rape

BAGUIO CITY – Isang minero na nakatala bilang No.3 City’s Top Most Wanted Person na may kasong panggagahasa sa isang 13 taon gulang na babae ang nadakip ng mga tauhan ng Baguio City Police Office.
Nabatid kay Police Major Joel Dumar, officer in charge ng BCPO-City Community Affairs and Development Unit, ang nadakip ay si Dexter Gumabay Ayangdo, 27, minero at tubong lalawigan ng Kalinga.
Nadakip siya sa bisa ng warrant of arrest with no bail recommended ng magkakasanib na tauhan ng City Intelligence Unit ng f BCPO sa pangunguna ni Police Lt.Col. Maximo Sumeg-ang.
Matatandaan, ang kasong rape ay isinampa ng BCPOStation 4, matapos magsampa ng reklamo ang kamag-anakan ng biktima, na ang insidente ay naganap matapos ang drinking session sa inuupahang bahay ng suspek,
Ayon sa reklamo ng pamilya, nakita nila ang insidente sa pamamagitan ng video na naka-post sa isang social media account ng biktima at nalaman na ito ay nangyar sa Purok 8, Kias, Baguio City,kaya’t agad nila itong inireklamo sa Station 4 noong Setyembre 28,2019.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon