MINERO NALUNOD SA WATERFALLS SA BENGUET

SABLAN, Benguet

Isang 21 taon gulang na minero ang namatay matapos malunod sa Towing Falls sa Poblacion, Sablan,Benguet kaninang hapon,Enero 2. Kinilala ng Sablan Municipal Police Station ang
biktima na si Leoncio Joe Balagey Lang-ay, a resident at Sitio Naiba, Tuding, Itogon, Benguet.
Ayon sa Sablan MPS, naganap ang insidente dakong alas 12:05 ng tanghala at naireport sa kanila ng alas 12:35 ng hapon at agad na nagresponde, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire and
Protection (BFP).

Sa imbestigasyon, kasama ang dalawang kaibigan na sina Arjay Esnara, 17 at Gerry Basilio Frondarina, 21, ang nagtungo sa wter falls para maligo. Ayon sa kanila, habang sila ay naliligo sa falls ay nakita nilang biglang nag-dive ang biktima sa malalim na bahagi ng falls, subalit lumipas ang ilang minute ay hindi na ito lumutang. Hindi rin alam ng dalawa na hindi pala marunong lumangoy ang biktima.

Agad na nagsagawa ng search and rescue ang mga civilian volunteers hanggang sa makita ito sa ilalim ng tubig at maiahon, Agad na binigyan ng CPR ang biktima sa pagdating ng mga BFP
personnel, subalit wala pa rin itog malay. Isinugod ang biktima sa Benguet General Hospital
subalit idineklara itong namatay habang ginagamot ni Dr.Eileen Mae Sagorsor dakong ala-1:56
ng hapon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon