LA TRINIDAD, BENGUET – Isa na namang miyembro ng drug group na nag-ooperate sa Baguio City at kalapit na Benguet province ang timbog sa isang sting operation hapon ng Hunyo 5 sa kahabaan ng Longlong Road, Puguis dito.
Arestado si Vincent Mark Bilon Malicdem alyas Pogs, 24, magtatapos ng kolehiyo at naninirahan sa Bakakeng Norte, Baguio City, matapos itong magbenta siya ng heat-sealed sachet na naglalaman ng shabu at nagkakahalaga ng P10,000 sa isang undercover agent ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera.
Nang kapkapan, nakuha kay Malicdem ang dalawa pang sachets na naglalaman ng shabu.
Kinuha rin ng mga otoridad mula kay Malicdem ang Toyota Altis sedan na ginamit nito.
Arestado si Malicdem matapos ang isang araw na pagkaaresto sa mga drug trader na sina Dominador Dagulo at Jesus dela Cruz sa isa ring sting operation kung saan P350,000 halaga ng shabu ang nasamsam, pinakamalaking huli ng shabu ngayong taon sa rehiyon. A.ALEGRE
June 10, 2018
June 10, 2018
May 11, 2025
May 3, 2025
April 19, 2025
April 12, 2025