MMSU nakapagtala ng 100% passing rate sa bar exam

LUNGSOD NG BAGUIO – Sa pagpapanatili nito sa tradisyon bilang pinakamahusay na law school sa bansa ay nakapagtala ang pinapatakbo ng estado na Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac City, Ilocos Norte ng 100 porsiyentong passing rate sa isinagawang Bar examination, ayon sa mga resultang inilabas ng Korte Suprema noong Martes, Abril 12.
Sa 12 kumuha ng pagsusulit ng MMSU na pumasa sa Bar exam, dalawa ang nakakuha ng exemplary performance na may rating na 85 percent hanggang 90 percent, na malayong mas mataas kaysa national passing rate na 71.28 percent. Sila sina Ofe Marie L. Balalio at Czarina Mae Claudine F. Cid.
Maliban sa dalawa, ang mga bagong abogado na nakabase sa Ilocos Norte ay sina Nikki Joy F. Barroga, Juan Paulo P. Flojo, Alyssa Marie A. Jacinto, Leidee January G. Lacambra, Myka Josa D. Llaguno, Zadrick R. Lucas, Jheia Lindhelle N. Paned, Marianne Shen L. Petilla, Alessandra Rica P. Rupisan, at Niccolo Vittorio T. Santos.
Sila ay kasama sa kumuha ng pagsusulit ngayon taon na 11,402, ang pinakamaraming bilang sa kasaysayan ng bansa, na sumasakop sa mga grupo mula 2020 at 2021.
Sa isang panayam sa telepono noong Martes ay sinabi ni Barrogam isa sa mga bagong abogado ng MMSU na mula sa Pinili, Ilocos Norte na naging pangarap niya noong bata pa siya na maging isang abogado.
“I have mixed feelings right now because I never expected to pass the exam. I just surrendered everything to God that He will be done,” ani ng 27 taong gulang at isang certified public accountant din.
Sinabi niya na pangarap niya na maging isang abogado ay naging inspirasyon ang ama niya na may law degree din noong mas bata siya subalit hindi pinalad sa Bar.
Nagagalak sa resulta, sinabi ni MMSU College of Law Dean Brian Jay Corpuz na, “The whole law school celebrates this magnificent news, and shall continue to produce bar-ready graduates.”
Habang inihahayag ang kaniyang pagbati sa mga nagtagumpay na kumusha ng pagsusulit ay sinabi ni MMSU President Shirley C. Agrupis na, “I am confident that our MMSU-grown lawyers will surely banner competence and excellence in serving our fellow Ilokanos.”
Ang anak na babae ng president ng unibersidad na si Cheska Arla Agrupis, na nagtapos ng abogasya sa San Beda University noong 2020 ay nakapasa rin sa Bar exam.
Isinagawa ang Bar examination noong Pebrero 4 hanggang 6, 2022 sa 31 local testing sites sa buong bansa.
Kinilala ng Legal Education Board ang MMSU bilang isang top-performing law school sa bansa sa nagdaang mga taon: Top 10 noong 2018 at Top 3 noong 2019 sa ilalim ng kategorya ng mga mas mababa sa 63 ang mga kumuha ng pagsusulit.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon