MODERNONG BUS TERMINAL ILULUNSAD NG VICTORY LINER

Photo Caption: Ipinahayag ni Arnel Gabaig, terminal master ng Baguio-Victory Liner sa isinasagawang upgrading para sa isang modernong bus terminal,upang mas lalo pang mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga pasahero. Kasama nito sina Villamayor Maya, (kaliwa) field operation manager at Carlito Alcantara, terminal master sa ginanap na media conference sa La Cusina,
Microtel Hotel sa Baguio City,noong Mayo 6.

Photo by Zaldy Comanda/ABN

———————————————————————————————————————

 

BAGUIO CITY

Isang modernong terminal ang kasalukuyang isinasagawa ngayon ng pamunuan ng Victory Liner para sa kanilang patuloy na maganda,maayos at ligtas na serbisyo sa mga pasahero sa siyudad ng Baguio. Ayon kay Arnel Gabaig, terminal master ng BaguioVictory Liner, inaasahang matatapaos sa Styembre ngayon taon ang kanilang rehabilitation ng terminal sa layuning mas mapabuti pa ang
serbisyo sa mga pasahero. Ang Victory Liner lamang ang may pinakamalaki at pinaka-maayos na bus terminal sa siyudad ng Baguio.

“Parang style airport ang matutunghayan sa aming terminal kapag natapos ito. May malaking tv-monitor na makikita ng mga pasahero o mga magsusundo ang pagdating ng bus at may arrival at departure schedule at time na makikita,upang hindi na tanong ng tanong ang mga tao at dadagdagan pa ang mga cashier booth para maging magaan sa mga taong pipila,” pahayag ni Gabaig. Aniya, ang katabing lugar na pag-aari din ng kumpanya ay gagawin namang arrival area
at magkakaroon ng maayos na pila ng mga taksi,upang hindi ito nag-aagawan sa mga pasahero.

“Gaya ng airport,meron departure at arrival area, ganyan ang mangyayari sa aming terminal.Gusto kasi ng kumpanya na mapabuti ang serbisyo sa publiko,lalo na sa mga pasahero. Ang rehabilitation ng mga terminal ay gagawin din sa ibang terminal para maging pare pareho ang serbisyo nito,”ayon
kay Gabaig. Ayon kay Gabaig, nasa 80 porsiyento pa rin ng mga pasahero ang gumagamit ng online booking, kaya mas lalo pa nilang pag-iibayuhin ang serbisyo sa online booking. Aniya, ngayon nasa alert level na ay nasa 80 hanggang 100 porsiyento na ang muling tumatangkilik na mga pasahero sa kanilang kumpanya sa iba’t ibang lugar na mayroong silang linya.

Ayon naman kay Villamayor Maya, operation manager,mahigpit na ipinapatupad ng kumpanya ang
speed limit na 80 kilometer per hour (kph), para sa seguridad ng mga pasahero. “Marami nga ang nagtatanong,kung kelan may SCTEC at TPLEX na dapat ay mabilis na makakarating ng Baguio ay bumalik daw sa dating oras na 6 to 7 hours ang biyahe,Noon po puwede yan,kaso ang mismong LTFRB na ang nag-utos sa mga pampasaherong bus sa bansa na magkaroon ng speed limit,upang maiwasan ang mga aksidente,” pahayag ni Maya.

Aniya, ang mga bus na bibiyahe ay laging dumadaan sa mechanical inspection,para siguraduhin
na nasa kondisyon ito sa biyahe. Ang mga kunduktor,lalong-lalo na ang mga driver ay mahigpit na isinasailalim sa training at seminar upang masiguro ang kanilang kapasidad na makapag-biyahe at mabigyan ng magandang serbisyo ang mga pasahero. Ang Victory Liner na nagsimulang magkaroon ng linya o’ prangkisa ay sa lalawigan ng Zambales at lumawak patungong Pangasinan, Baguio City,Isabela at Cagayan, ay nakatakdang magdaos ng kanilang ika-78 taong serbisyo sa Oktubre 15.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon