MR. AND MS. UB, MULING MAGBABALIK SA UNIBERSIDAD

Magtatagisan ng adbokasiya, galing, at talino ang mga kandidata ng Mr. and Ms. University of Baguio sa April 13, 2023 na gaganapin sa UB Gymnasium, Baguio City. Ang tema ng pageant
ngayong taon ay “bejeweled” na sumisimbolo sa mga yaman at hiyas ng unibersidad. Ito rin ay isa sa mga paghahanda sa nalalapit na pag-transisyon ng unibersidad sa kaniyang Diamond Anniversary sa susunod na taon.

Ayon kay Koby Soriano, school’s relations officer at event organizer ng MMUB, “Ang focus natin this year is jewels, these jewels are reflective of one’s youth, beauty, intelligence and uniqueness, and ngayon nagfo-focus tayo sa advocacies ng candidates kasi gusto nating bigyan ng emphasis din yung pwede nilang magawa at maitulong sa community”. Bibigyan diin ng mananalong Mr. and Ms. UB ang kahalagahan ng iba’t ibang Sustainable Development Goals sa edukasyon, kalusugan,
gender and equality at safety and security.

Ayon kay Jerwin Rivera, estudyante ng UB at representante ng School of Criminal Justice and Public Safety, “Ang aking pangunahing SDG para sa MMUB ay ang SDG #16 – kapayapaan, katarungan at matatag na mga institusyon. Aniya, malaking factor ang pagiging isang criminology
student ko sa pag-pursue nitong SDG #16 dahil kasama dito ang pagsusulong ng mapayapa at
napapabilang na mga lipunan para sa napapanatiling pagunlad, na nagbibigay-daan sa lahat ng mga tao na ma-access ang hustisya, at pagbuo ng mga mabisang pananagutan at pagkakasamang institusyon sa lahat ng antas.”

Dagdag pa ni Rivera, “Napakahalaga sa akin ang pagsali sa mga pageant competion, lalo na itong
MMUB sa kadahilanan ng pagprogreso ng aking confidence at ang aking speaking ability. Ito ang natatangi kong training grounds para maipakita sa mga tao na ako ay bumubuti sa larangan ng pageant, dahil naniniwala akong pagkatapos ng kompetisyon na ito ay magkakaroon ako ng
magandang pundasyon para makipag usap ng mas bihasa at mas propesyonal sa kahit anong larangan.” Nais ng pamunuan ng unibersidad na maipamalas ang galing at talino ng kanilang
mga estudyante sa platapormang ito. Misyon ng MMUB na mabigyan ng boses ang kamagaralan at makilahok sa social activities na kagaya nito.

Joshua Santos-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon