LUNGSOD NG BAGUIO – Pinangunahan nina Mayor Benjamin Magalong at Rep. Mark Go noong Enero 26 ang ibang city, barangay at Department of Public Works and Highways (DPWH) officials sa ground breaking ceremonies ng isang multi-purpose building complex sa Irisan barangay na nagkakahalaga ng mahigit PhP42-milyon at inaasahang matatapos ngayong taon.
Sinabi ni City Building and Architecture Office (CBAO) head Arch. Johnny Degay na kaparehong ‘one-of-a-kind’ multi-million structures na may magkakaibang halaga ay kasalukuyan na sa mga barangay Quirino Hill, Bayan Park, Engineer’s Hill, Bayan Park at Bakakeng Central.
Mas marami pa ang nasa pipeline para sa mga barangay ng lungsod depende sa kahandaan ng mga pondo, aniya. Sinabi ni Degay na dahil ang mga proyekto ay pinondohan ng national, ang mga disenyo nito ay pinangunahan ng DPWH sa pakikipagtulungan ng CBAO.
Sa mensahe ng mayor ay pinasalamatan niya ang ilang Senador na hiwalay na gumawa ng paraan sa pagpondo sa mga proyekto sa Quirino Hill, Bakakeng Central and Irisan and PAGCOR for those at Engineer’s Hill and Bayan Park.
Gayunman, idiniin niya na ito ay pera ng taumbayan na ginamit sa mga proyekto kaya ‘kailangan pasalamatan natin an gating mga sarili sa pagbabayad ng ating buwis’.
Siniguro ng Mayor sa publiko na sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay walang SOP o ‘under the table’ na mga transaksiyon laya ang buong halaga na ukol sa proyekto ay totoong napupunta para sa pagtatapos nito at hindi nawawala dahil sa korapsiyon.
Sinabi niya na anumang ipon ay gagamitin upang bumili ng mga muwebles at iba pang gamit na kailangan ng barangay office na masaskop ng complex.
Sinabi niya na ang mga piniling mga contractor para sa mga proyekto ay sumailalim sa lahat ng tamang proseso at walang ‘palakasan’ at ibang ‘salamangka’ ang kinunsinti sa panahon ng proseso.
Nagbabala ang mayor sa mga contractor na haharap sila mga legal na asunto at mas malala pa kung lalabag sila sa alin mang kasunduan at specifications ng kontrata.
“In the city of Baguio, we practice good governance and do not tolerate any kind of corruption,” aniya.
(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025