MUSIC FESTIVAL MULING IBINALIK SA BSU

LA TRINIDAD, Benguet

Muling ibinalik ng Benguet State University ang kinasasabikang Intercollage Music Festival ng mga estudyante, matapos ang limang taon na paghihintay at agad ay nagkaroon ng competition na may temang “Reviving the Sound of your Heart”,noong Pebrero 18. Sa tulong ng Supreme Student Goverment at pakikipagtulungan ng Center for Culture of the Arts ( CCA), ipinakita ng mga estudyante ng BSU mula sa bayan ng Bokod, Buguias, at La Trinidad campus ang kanilang husay sa musika. Labíng-walong kalahok na koponan ang nakipag-kumpitensiya para sa inaasam na tropeo.

Ayon kay Caryll Tornacon Layog, vocalist ng grupong PsycHi Band mula sa Bachelor of Science in
Psychology, “hindi po naming inaasahan kasi alam naming na manggagaling yoong mga kalaban naming sa agriculture at nursing, so we just prayed and we let ourselves enjoy.” Tinanghal na grand champion ang bandang Psychi Band mula sa College of Social Sciences (CSS) na may puntos na 96.83, ang koponan din ay nkakuha ng dalawang pwesto sa nangungunanang three female vocalist.

Bukod dito, ang Mesamorph Band mula sa College of Human Kinetics (CHK) ay nag first runner up na may 94 puntos habang ang IV Infusion Band mula sa College of Nursing (CN) ay nakakuha ng second runner-up na may 93.17 puntos. Ang Fragaria Band na kumakatawan sa College of Agriculture (CA) ay nakakuha ng third runner-up na may 92.25 puntos at sinundan ng Eskastep
Band mula sa College of Teachers Education (CTE) na may 91.28 puntos.

Jerico Cayabyab/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon