NAGBENTA NG BARIL, ARESTADO SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Mahaharap sa kasong Republic Act 10591, ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isang 32-anyos na lalaki, kasunod ng pagkakaaresto sa kanya dahil sa pagbebenta ng hindi rehistradong baril sa Baguio City noong Hulyo 20. Sinabi ng Baguio City Police Office, nahuli ang suspek sa pinagsamang entrapment operation ng BCPO Police Station 7 at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Baguio City Field Unit (CFU).

Natuklasan ng mga operatiba ang ilegal na gawain ng suspek sa pamamagitan ng social media, kung saan nag
advertise ito ng caliber.45 pistol at mga bala. Matagumpay na nakipagkasundo ang isang undercover na police sa isang transaksyon sa suspek kung saan nagkasundo ang dalawa na magkita sa isa sa mga restaurant sa Chugum St.
Sa operasyon, naaresto ang suspek matapos itong magbenta ng caliber.45 pistol, dalawang magazine, at mga bala
na nagkakahalaga ng P50,000.00. Ang pagmamarka at pag imbentaryo ng mga nasamsam na ebidensya ay isinagawa on site sa presensya ng suspek at mga saksi.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon