NAKATAYONG PASAHERO PAPAYAGAN SA MODERNIZED PUJ’S

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinapayagan ang mga modernized public utlity jeepneys (PUJs) na magsakay
ng hanggang 7 nakatayong pasahero upang matugunan ang kanilang approved maximum capacity. Ito ang niliwanag ng Baguio City Police Office Traffic Enforcement Unit (BCPO-TEU) at ng City Engineering Office Traffic and Transport Management Division ayon sa franchise na inisyu ng Land Transportation
Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Nauna nang hiningi ni Mayor Benjamin Magalong ang klaripikasyon sa bagay na ito matapos makarating sa kaniya ang mga reklamo ng diumano’y “overloading” ng ilang modernized units. Ilang pasahero ang
nagreklamo ukol sa masikip na kundisyon ng mga PUJ at  nagpapadala ng mga larawan ng mga nakatayong pasahero.

Sinabi ni BCPO Deputy City Director for Operations at Acting TEU head PLt. Col. John Cayat at TTMD Head Engr. Januario Borillo na base sa frnachise na inisyu ng LTFRB, pinapayagan ang mga modernized PUJ ng maximum passenger capacity ng 26, 19 dito ang nakaupo at 7 ang nakatayo. Kasama ditto ang mga units sa ilalim ng Kaaruba Transport Service Cooperative na kabilang sa mga inirereklamo. “So this cannot be regarded as overloading,” pahayag ng mga traffic head.

(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

 

Amianan Balita Ngayon