Name Dropping

Opinion

Sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 na nararanasan natin ngayon sa siyudad ng Baguio dulot ng mapanghawang Omicron variant ay huwag po nating ipagwalang-bahala ang banta nito, kahit na ikaway bakunado na ay possible ka pang tamaan.

Ang tanging panlaban sa virus na ito ay vaccines at booster na dapat nating bigyan ng pansin para protection sa severe infections, less hospitalization at death.

Higit sa lahat ay maging maingat at panatilihin ang health standards sa loob at labas ng bahay.

Ayon sa projection ni Mayor Benjie Magalong, posibleng tatagal ng dalawa hanggang tatlong buwan ang pagsipa ni Omicron, bago ito bumaba, kaya asahan pa ang paglobo ng kaso sa mga susunod na araw.

Doble ingat po gaya ng ginawa natin noong pagsipa ng Delta variant, na karamihan sa namatay ay mga hindi bakunado.

Marami po tayong suplay ng vaccines, kayo na ang mamimili sa gusto ninyong brand, kayamagpa-bakuna at pa-booster na po kayo.

May ilang drayber po ng City Camp na pumaparada sa may Otek St., ang umaaastang nabili na niya yata ang kanilang paradahan, porke inilagay daw sila ng TMB (Traffic Management Bureau) sa lugar.

Tuwing magpapatupad ng ARO (Anti-Road Obstruction) ang opisyales ng Barangay AZKCO sa Otek St., ay laging problema ang ilang drayber ng City Camp na lumalabag sa traffic rules.

Gusto ko pong ipaalam sa LAHAT ng drayber ng pribado at pampublikong sasakyan na ang ARO ay mandato sa barangay ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan,na dapat gawin laban sa mga abusado at mga bagay na nakakapinsala sa seguridad ng publiko sa kalsada at sidewalks.

Malimit po sa violator ng illegal parking at obstruction ay itong City Camp, dahil laging binabarahan ang pedestrian at emergency lane sa kanto ng Otek at Chugum St.

Noong Enero 12, nagsagawa ng ARO ang barangay officials at tinikitan po ang isang jeep na nakahambalang sa kanto, pero may isang drayber na umepal at kinukuwestyon an gaming operasyon.

Inilagay dawsila ng Traffic sa lugar, hanggang sa kanto na wala ngmadaanan ang mga tao. Tama bang katuwiran yan. Nakipagtalo pa sa mga ARO team at sinabi pang kilala niya si Kapitan.

Hindi po kinukuwestyon kung inilagay sila ng Traffic o ng CEO(CityEngineersOffice) na kahit abiso sa barangay, ay dapat sundin nila ang traffic rules na ipinapatupad ng siyudad.

Gusto ko lang ipaalam sa ating Mayor Benjie Magalong, na ang City Camp at Irisan Jeep ay nagdudulot ng trapiko sa Otek St., kasi po wala silang parking area, kaya nakahambalang at double parking ang mga jeep doon.

Wala po tayong masabi sa opisyales ng City Camp ODA,
dahil alam nila ang kanilang sitwasyon, pero itong ilang miyembro ay hindi yata pinagaralan ang traffic rules bago magmaneho.

No parking zones, paparadahan, tama po ba. Sisitahinmo, sasabihin inilagay ng traffic at kilala si Kapitan, tama po ba.

Sana naman itong Traffic na naglalagay ng jeepney parking terminals sa nasasakupan ng AZKCO ay mag-abiso naman at sana naman itong mga drayber huwag maging traffic violator, porke may pinapadrino kayo.