BALBALAN,Kalinga
Nakilala na ang napatay na rebeldeng New People’s Army sa naganap na enkuwentro sa Barangay
Poswoy, Balbalan, Kalinga noong Mayo 3. Positibong kinilala ng mga kapamilya ang na napapatay sa rebelde na si Baliwag Boccol o’ kilala sa kilusan sa alyas na ‘Ka Bombo’, ng Barangay Nambucayan, Tabuk City, Kalinga. Si Ka Bombo ay napagalamang miyembro ng Squad Uno ng Komiteng Larangang Gerilya Baggas, Ilocos Cordillera Regional Committee.
Napag-alamang dakong alas 6:00 ng gabi ng Mayo 4, nang dalhin ng mga tauhan ng 50th Infantry Battalion ang labi ni Ka Bombo sa Balbalan Municipal Police Station, na sinaksihan nina Cpt.
Martinez, chief of police at Cpl. Sano ng Regional Mobile Force Company, kasama ang ilang residente at agad na dinala sa TAMPCO Funeral Homes, Dagupan, Tabuk City, Kalinga. Narekober ng 50th Infantry Battalion sa ilalim ng 503rd Infantry Brigade sa pinangyarihan ng enkuwentro ang isang M16 rifle, dalawang short magazine na kargado ng bala, apat na backpacks, isang Improvised Explosive Device Detonator, tatlong Blasting Caps, apat na Command Detonated Explosives, Medical Kits at mga subersibong dokumento.
Ikinalungkot naman ng pamunuan ng Kalinga Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ang pagkamatay ni Ka Bombon na sa halip ay hinarap na lamang nito ang pagbabagong-buhay. Dahil dito, muling nanawagan ang Kalinga PTFELCAC sa mga iba pang rebelde na tanggapin ang sinserong alok ng pamahalaan para makapagbagong buhay, matamasa ang tunay na kapayapaan kasama ang pamilyang matagal nang umaasam sa kanilang pa-uwi para madama ang init ng kanilang mga yakap.
Zaldy Comanda/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024