LUNGSOD NG BAGUIOKailangan na ang negative swab results at antigen test results para sa mga residente at hindi residente na papasok sa lungsod at magging epektibo sa Marso 19, ito ang pahayag ng city information office.
Sinabi ni Aileen Refuerzo, Public Information Office-Baguio Chief na ang bagong polisiya ay aplikable sa mga bumibiyahe papasok at palabas ng lungsod.
“Non-resident private sector Authorized Persons Outside of Residence on official travel; non-resident travelers on personal, leisure, or non-work related travel purposes; tourists; and returning Baguio residents are required to present negative RT-PCR, Antigen test or Saliva test result conducted within 72 hours prior to entry to Baguio or have themselves tested at the central triage,” aniya.
Ang ibang bumibiyahe ay kailangang matest o kinakailangan ang negative RTPCR, Antigen test o Saliva test result, na ginawa sa loob ng 30 araw ay ang mga: private sector APORs who currently reside, or work, in Baguio City and travelling daily or weekly through city borders on a home-to-work and vice-versa route; Baguio resident non APORs returning to the city from personal, leisure, or nonwork-related travels in other localities.
Ang antigen test sa Baguio Convention Center triage ay nagkakahalaga ng PhP350 para sa mga residente ng Baguio at PhP500 par sa mga hindi residente at mga turista. Hindi nagsasagawa ang center ng RT-PCR at saliva tests. Sinabi ni Refuerzo na ang mga kasama sa testing ay mga government APORs na nasa official travel; passing through; drop and go para sa mga drivers lamang; emergency and non-emergency medical cases; at cargo, utilities, at mga nasa humanitarian causes.
Ang rehistrasyon sa mga portal ng lungsod ay kinakailangan pa – visita.baguio.gov.ph para sa tourism at personal/leisure travels at hdf.baguio.gov.ph para sa returning Baguio residents at iba pang traveler classifications.
Sa triage, ang mga taong nalamang symptomatic o may positive antigen test result ay maaaring hindi payagang pumasok o irerefer sa pinakamalapit na health facility.
Sa Regional Forum on Tourism Recovery and Business Continuity noong Huwebes (Marso 18), sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na ang requirement para sa RT-PCR o antigen tests ay pansamantala lamang na safety measure na maaaring alisin kung ang araw-araw na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay bababa o babagal.
Siniguro ni Magalong na ang transparency sa datos ng lungsod sa mga kaso ng COVID-19, na sinabing ang pamahalaang lungsod ay nasa ibabaw ng sitwasyon kung ang infection control at case management ang pag-uusapan. Mula Marso 1 hanggang 18 ay nakapagtala ang Lungsod ng Baguio ng kabuuang 1,016 bagong mga kaso ng COVID-19.
Hanggang Marso 18, ang lungsod ay may kabuuang 638 aktibong kaso.
Mula Marso noong nakaraang taon hanggang Marso 18 ay nakapagtala ang Baguio ng 6,678 kaso ng COVID-19.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
March 21, 2021
July 5, 2025
July 5, 2025
July 5, 2025
July 5, 2025
July 5, 2025