NHA magtatayo ng dormitory para sa mga estudyanteng IP sa Pangasinan

LUNGSOD NG BAGUIO – Nakatakdang magtayo ang National Housing Authority (NHA) ng isang dalawang-palapag na dormitory ng mga estudyante sa bayan ng Asingan, Pangasinan nagyong taon para sa mga esyudyante na mula sa indigenous communities.
“Ito ay para hindi na mahirapan ang mga estudyante na nanggagaling pa sa malalayong lugar. ‘Yong building ay nasa mismong compound na ng school,” sinabi ni NHA Ilocos Region at Cordillera Administrative Region manager engineer Maria Belinda Sevalla sa isang panayam sa telepono noong Huwebes.
Sinabi ni Sevalla na ang proyektong dormitoryo ng mga estudyante ay nagkakahalaga ng PhP20 milyon. Ang lote ay isang pagpaari ng Pangasinan State University.
“Approximately, there will be 14 rooms with 64 beds for the IP (Indigenous People) students,” dagdag niya.
Samantala, ipinanukala ng local government unit ng Asingan ang isang resettlement assistance program para sa mga residente ng bayan na ang mga bahay ay naitayo sa mga mapanganib na lugar gaya ng waterways, o mga naapektuhan ng mga infrastructure project ng gobyerno gaya ng road widening.
Sinabi ni Savella na lilikha ang NHA ng isang package para sa resettlement assistance program sa bayan na may PhP25-million grant para sa land development, at konstruksiyon ng 54 duplex housing units na may modal lot size na 50 square meters at floor area na 21 sqm.
“Ito may pagkakataon na yung mga kababayan natin na talagang very less fortunate na wala talagang tinitirahan.
Halimbawa andyan lang sila sa silong ng mga tulay, sa ibaba ng mga irigasyon o mga informal settlers na magkaroon kayo ng decent na bahay,” sinabi ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. sa isang pahayag noong Huwebes.
Sinabi ni Lopez na magkakaroon ng isang committee na mag-eevaluate kung ang mga pamilya ay kukuha ng kanilang libreng low-cost housing.
(HA-PNA/PMSJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon