‘No Parking, No Car’, epektibo kaya?

Nov 3, 2018

Magandang hakbang ang Senate Bill No. 201 o ang Proof-of-Parking Act at Bill No. 1165 o ang ‘No Garage, No Car Act of 2016’ kung maipasa bilang batas upang tugunan ang malala at lumalala pang sitwasyon ng trapiko sa Pilipinas. Tuloy-tuloy ang dumaragdag na bilang ng sasakyan sa mga kalye na may 370,000 bagong sasakyan na dumagdag sa may 10 milyong saksakyan, ayon sa ulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI). Plano ng batas na ito na ibsan ang mga kalye na hinaharangan ng mga iresponsableng may-ari ng mga sasakyan na ginagawang animo sarili nilang paradahan ang mga kalye at sidewalks (ano na ba ang nangyari sa Anti-Road Obstruction Law?).
Sa ilalim ng batas, ang ‘proof-of-parking space o facility’ ay isang rikisito bago makabili ng sasakyan at marehistro ito sa Land Transportation Office. Ibig sabihin nito ay sinumang may nais bumili ng sasakyan ay dapat munang magprisinta ng katibayan na mayroon silang ‘permanenteng paradahan o pasilidad’ upang igarahe ito. Ang lugar ay dapat nirerentahan o binili ng may-ari ng sasakyan at kailangan niyang iprisinta ang notaryadong sertipiko sa Land Transportation Office bilang isang rikisito sa rehistrasyon. Aplikado ito sa lahat ng naninirahan o may business address sa ‘metropolitan areas’ gaya ng ngunit hindi limitado sa Metro Manila, Angeles, Bacolod, Baguio, Batangas, Cagayan de Oro, Cebu, Dagupan, Davao, Iloilo, Naga at Olongapo.
Awtorisado ng batas na ito ang LTO, MMDA at LGU na magsagawa ng periodic ocular inspections sa mga iskinita at mga kalye at tanggalin ang mga illegal na nakaparadang sasakyan.
Subalit kailangan yatang mas pag-aralan muna nang mabuti ang panukalang batas na ito dahil baka pagsimulan ito ng mga panibagong problema na sa kabila ng kailangang notaryado ang dokumento ay maaaring pagmulan ito ng iba pang uri ng korapsiyon. Sa ugali ng ilang tao na magaling mameke ng mga dokumento ay baka pagsamantalahan lang ito. Isa pang tanong dito ay paano na ang mga rehistrado ng sasakyan, hindi ba sila sisitahin? Paano na kung i-renew na nila ang rehistrasyon ng kanila sasakyan?
Masisiguro ba natin ang kahusayan ng implementasyon nito na maaaring posible ito sa ibang lugar subalit maaari namang baka lalong maging isyu sa ibang lugar?
Natural masasaktan dito ang mga may negosyo sa sasakyan at tiyak gagawa rin sila ng mga hakbang upang maprotektahan ang industriya ng sasakyan. Bagama’t umaani ng kasiguruhang maipasa ang panukalang batas sa Senado ay may pagkakataon pang tingnan ito muli at pag-aralan…kung kaya pa.

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest