NOON AT NGAYON…. ANO NA???

Kung ating ikumpara ang mga kaganapan noon at ngayon…malaki ang pagkakaiba. Marami na ang
nabago. Bagama’t may mga eksena pa ring nagpapatuloy. Ating utayin ang mga KaDaplis: Noon…Pilipinas ang nagturo ng teknolohiya ng pagsasaka sa mga Vietnamese. Ang ating teknolohiya ang bumuhay sa kanilang sisinghap-singhap na kaalaman sa “farming”. Kanilang ginamit at pinagyaman ang natutunang galing sa pagsasaka. Ginawa itong modelo sa kanilang bansa.

Matagumpay nilang naibangon ang kanilang nagdarahop na bansa. Sa pagunlad ng kanilang kaalaman sa pagsasaka, sila na ngayon ang nag-eexport ng bigas sa ibat’ibang bansa. Ibig sabihin,
epektibo ang ating teknolohiya. Nakatulong tayo sa ibang nasyon. Isa ang Pilipinas sa mga bumibili ng kanilang produkto. Tayo ang nag-export ng teknolohiya sa kanila, tayo rin ang nag-iimport mula sa kanila. Talagang sintunado. Kung sana at Pilipino ang natuto, hindi sana tayo nag-iimport.

Bagkus ay patuloy pa rin tayong nag-EEXPORT. Sayang Pilipino. Kelan kaya tayo matutong magtangkilik ng sariling atin? Hanggang kelan tayo magbubulagbulagan na nandito lang sa paligid natin ang ating ikauunlad? Marami tayong produktong pang-agrikultura: bigas, gulay at iba pa. Maaring sapat para sa atin noong unang panahon. Ngunit nang lumubo na ang ating papulasyon, kulang na ang suplay kaya kinakailangang mag-import.

Mula bigas, gulay, karne at mga kagamitan…sa ibang bansa tayo umaasa. Marami pa tayong kakulangan at marami din tayong paraan para umunlad sa sariling pagsisiskap. Sagyang dapat lang na linangin natin ang ating kaalaman. Magkaisa para sa pag-unlad. Isa sa mga matitinding problema sa kasalukuyan, malaki ang kakulangan natin ng mga nurses. Aminado ang samahan ng mga pribadong ospital sa bansa na hindi naibibigay ng mga ospital ang dapat na sahod ng mga nurses natin kaya sila’y nangingibang-bansa.

Ang resulta: tayo naman ang nagkukulang ng mga nurses. Kamakailan, may palutang ang DOH na gamitin na lang natin ang mga nagtapos sa nursing na hindi pumasa sa board exam pero inalmahan ng PRC. Ito ay naging kontrobersiya at humahanap pa ang DOH ng remedyo. Natural na marami ang aalma lalo sa hanay ng mga rehistradong nurses. Nagpakahirap silang nag-aral at pumasa sa board exam pagkatapos magiging kumpetensiya nila ang mga bagsak sa exam na graduates ng nursing.

O dili kaya, kayong mga registradong nurse, kesa tambay, e, magtrabaho kayo bilang NURSE. Dito sa ating bansa. LAhat naman naghahangad ng mataas na sweldo, kanya-kanya lang ng swerte yan. Sabi: PAG HINDI UKOL, DI BUKOL. Noon…nakakatakot ang paglobo ng mga tinamaan at namatay dahil sa Covid-19. Ngayon, ayon sa mga huling datos, mababa na ang mga nagpopositibo. Kaya ang sabi ng DOH, alisin na ang Public Health Emergency sa Covid-19.

At kung magtatagumpay ang rekomendasyon ng ahensiya…sabi ng mga eksperto, di dapat
magpakampante dahil narito pa rin ang nakamamatay na sakit. Patuloy pa rin tayong magiingat. Dito sa Baguio City, kahit pa inalis na ang paghihigpit, mas marami pa rin ang nagsusuot ng face mask. Nasa atin eto. Kung gusto nating pangalagaan ang ating kalusugan, hindi masama ang magsuot ng face mask. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon