NPA CADRE NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL SA PROCOR

BONTOC, Mt. Province – Isang 49-anyos na miyembro ng New People’s Army (NPA), na boluntaryong sumuko ay nakatanggap ng tulong pinansyal mula kay BGen.Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, sa kanyang command visit sa Bundok Province Police Provincial Office, Camp Montes, Bontoc, Mountain Province noong Setyembre 22.

Si Ka Bastian (hindi niya tunay na pangalan), tubong Barlig ay nagsilbing aktibong Intelligence ng dating East Chico Line Kilusang Larangan Guerilla (ECL KLG) Marco. Nakalista siya sa No. 68 sa watchlist ng PNP’s quarterly Periodic Status Report on Threat Groups (PSRTG) sa Cordillera. Sinabi ni Bazar, sumuko
siya dala ang kanyang M1 Garand rifle na may 4 na Clips at 13 bala na iniabot niya sa mga pulis ng Mountain Province.

Aniya, naging posible ang ligtas na pagbabalik ni Ka Bastian sa fold ng batas dahil sa pagtutulungan at tulong ngjoints personnel ng MountainProvince PPO; PROCORRegional Intelligence Division;National IntelligenceCoordinating Agency (NICA)-Cordillera; 69thIinfantry Battalion, 7thIinfantry Division, 503rd
Brigade; 5th IB, 5ID MICO;5MIB at 50IB, 5th ID ngPhilippine Army, sa ilalim ngpangangasiwa ni Col. Rey
Antolin de Peralta, provincialdirector ng Mountain Province PPO. Sinabi ni Bazar, inendorso na ngayon si Ka Bastian sa Enhanced Comprehensive Livelihood Integrated Program (ECLIP) ng gobyerno na partikular na inilaan para sa mga rebel returnees na handang mag-renew at mamuhay ng normal.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon