BALBALAN, Kalinga
Kinilala bilang commanding officer ng Regional Unit Center ng Ilocos-Cordillera Regional Committee ng Communist Terrorist Group, na napatay sa engkwentro sa mga tauhan ng 50th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Babacong, Barangay Gawaan, Balbalan, Kalinga
noong Marso 9. Ayon kay Maj. Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office na nakabase sa Camp Melchor Dela Cruz, Gamu, Isabela, kinilala ng mga pamilya na ang napatay na rebelde ay si Onal Osias Balao-ing, alyas Beran, na kanilang mga kamag-anak.
Isa si Balao-ing sa mga rebeldeng nakasagupa ng mga sundalo noong Marso 9 sa Sitio Babacong, Barangay Gawaan, Balbalan, Kalinga, na pumatay sa biktima at dinala ang kanyang mga labi sa punerarya sa Tabuk City, Kalinga. Agad na nakipag-ugnayan ang mga sundalo sa lokal na pamahalaan ng Balbalan at sa mga dating rebelde para matukoy ang pagkakakilanlan ng namatay na rebelde. Nagtungo sa punerarya ang naturang mga kamag-anak noong Marso 11 at kinumpirma
ang pagkakakilanlan ng biktima.
Narekober ng mga sundalo ang dalawang matataas na uri ng baril at mga subersibong dokumento sa pinangyarihan ng engkwentro. Sinabi ni Pamittan na ang hukbo at ang buong Provincial Task Force- End Local Communist Armed Conflict ng Kalinga ay nalulungkot sa walang awa na pagsasamantala ng ICRC sa mga miyembro ng Indigenous People sa Cordillera.
Zaldy Comanda/ABN
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024