NTF-ELCAC popondohan ang development projects sa 2 barangay sa Ilocos Sur

ILOCOS SUR – Sinabi ng Regional Development Council in the Ilocos Region (RDC-1) Chairperson at Vigan City Mayor Juan Carlo S. Medina na popondohan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitam ng Barangay Development Program (BDP) ang iba’t-ibang development projects na ipapatupad sa dalawang barangay sa Ilocos Sur ngayong taon.
“Sa BDP, we are happy to say that two barangays in Ilocos Sur particularly in Barangay Baluarte, Salcedo and Barangay Nagbettedan, Sto. Domingo, are allotted with Php20 million each for the implementation of various development projects,” ani Medina sa kamakailang episode ng Kapihan sa Ilocos.
SA 822 barangay na nalinis sa insurhensiya sa buong bansa mula 2016-2019, na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay bibigyan ng PhP20 milyon bawat isa sa ilalim ng DBP, ang nasabing dalawang barangay sa Ilocos Region ay isinama bilang mga benepisaryo ng BDP 2021.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa Ilocos Sur, ang development projects gaya ng rehabilitasyon ng barangay health center, konstruksiyon ng public toilets, farm-to market roads, classroom, tulong sa mahihirap na indibiduwal/pamilya, at pangkabuhayan, technical-vocational training ay nakaprogramang ipatupad sa dalawang barangay.
Ang mga proyektong ito ay tinukoy ng mga residente at local government unit, ayon sa DILG. Ginunita ni medina sa forum na para sa 2020 budget, 30 m proyekto mula sa Departments of Agriculture, Science and Technology, Social Welfare and Development, Environment and Natural Resources, Public Works and Highways, ang National Commission on Indigenous Peoples at ang Philippine National Police ay ipinatupad.
“Nakikita talaga namin na dahil sa mga projects na nagawa rito, bumaba ang insurgence dito sa atin at kaya noong 2020 ay mayroong 18 na former rebel ang nag-surrender at nabigyan ng assistance worth P1.1 million kasama na rito ang reintegration activities at livelihood projects para sa kanila,” aniya.
Para sa fisrt quarter ng 2021, 11 dating rebelde mula Ilocos Sus ang nabugyan din ng tulong na nagkakahalaga ng PhP400,000.
Sa pagbuwag ng nag-iisang kasalukuyang guerilla front ng CPP-NPA-NDF sa Ilocos Region partikular sa Ilocos Sur, umaasa si Medina na magiging malaya ang Ilocos Sur sa insurhensiya sa pamamagitan ng whole-of-nation approach to end armed conflict institutionalized alinsunod sa Executive Order 70.
“Kailangan talaga ang mga ito para ipaabot ang serbisyo sa ating mga kababayan na nasa far-flung barangays kasi iyon ang inaasam at hinihintay nila na umabot ang serbisyo sa kanila and through the efforts of the NTF-ELCAC through National Security Adviser at CORDS-1 Hermogenes Esperon, Governor Ryan Luis Singson at mga kapwa ko local chief executives, talagang umaabot na ang serbisyo sa kanila so kung makikita niyo itong mga projects, from education to economic, iyong farm-to-market road to trainings for our farmers, students, at children, malaking bagay talaga ang NTF-ELCAC,” dagdag ni Medina.
“We are hoping that in the next quarter or two quarters, Ilocos Sur will be insurgency-free,” pagtatapos ni Medina.
(JMCQ-PIA IS/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon