BAGUIO CITY
Hindi nakapalag ang suspek na wanted sa Magalang,Pampanga nang matiklo ng pulisya sa kanyang
pagtatago sa siyudad ng Baguio noong Enero 16. Kinilala ang nadakip na si Antonio Gomez Benigno Jr., 50, technician and a resident at No. 124 Purok 3 Lower Quirino Hill, Baguio City.
Nabatid kay Col.Fancisco Bulwayan,city director ng Baguio City Police Office, si Benigno ay nakatala bilang No. 2 Municipal Level Wanted Person ng Magalang Municipal Police Station sa Pampaga sa unang quarter ng 2023.
Ayon kay Bulwayan, nakipag-coordinate sa kanila ang tauhan ng Magalang MPS, matapos mapag-alamang ang suspek ay nagtatago sa siyudad ng Baguio. Isinagawa ng operation kasama ang mga tauhan ng BCPO at ang suspek ay nadakip sa may Slaughter Compound, Sto Nino Barangay,dakong alas 6:00 ng umaga. Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rene Estrada Reyes of Regional Trial Court Branch 118, Third Judicial Region, Angeles City, Pampanga for a case of Frustrated Murder, noong Agosto1,2022.
Zaldy Comanda/ABN
January 21, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023