BAGUIO CITY – May dalawang kaso na ng Omicron variant (B.1.1.529) na nagdudulot ng patuloy na paglobo ng coronavirus disease (COVID-19) sa siyudad ng Baguio.
Ang dalawang kaso ng Omicron variant na nagsimula noong kalagitnaan ng Disyembre 2021 ay kinumpira ng Philippine Genome Center (PGS) noong Enero 15,2022. Noong Miyerkoles,Enero 19, naitala ang 725 pinakamataas na kaso ng COVID at ikinamatay ng limang senior citizen.
Naitala din ang pinakamataas na recovery na 521, na pawang nagkaroon ng lamang mild symptoms dahil sa proteksyon na bakuna. “Very dramatic itong pagtaas ng kaso natin, sa nakalipas na isang linggo lamang ay naga-average na tayo ng 500 cases a day.
Magiging critical pa ito sa mga susunod na linggo. Ang ating average daily attack rate ay nasa 80.1 percent,samantalang ang ating weekly growth rate ay nasa 6.9 percent,” ayon kay Mayor Benjamin Magalong.
Sa inaasahang pagsipa ng Omicron variant ay siniguro ni Magalong na hindi mailalagay sa Alert Level 4 ang Summer Capital habang nasa maayos na pangangasiwa ng city government ang pagdaluyong ng kaso.
Hinalimbawa nito ang pagsipa ng Delta variant noong nakaraang taon na naging ‘manageable’ dahil sa mga contingency plan ang isinagawa para agad na ma-contain ang virus.
Ayon kay Magalong, ibinaba ang bilang ng turista sa lungsod; pagsuspinde sa pagiisyu ng acceptance certificates at mahigpit na border controls. “Sa ngayon kakaunti ang ating turista, dahil iniiwasan mula nila ang magbiyahe, dahil sa pagtaas ng kaso.”
Aniya, ang pagtaas ng kaso ay resulta din massive testing drive mula sa average na 1,300 reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests at 570 antigen tests na isinasagawa araw-araw.
“Ginagawa natin ito para habang maaga ay magamot agad ang sintomas.” Ang Omicron is more infectious at mabilis manghawa, pero ayon sa health experts ay less severe o’ mild symptoms lamang ang mararanasan at less hospitalization, lalo na sa mga fully vaccinated, kumpara sa Delta na karamihan noon ay mga hindi bakunado na naging severe cases at humahantong sa pagkamatay.
Ayon kay Magalong, bago pa man ang inaasahang pagsipa ng Omicron na nagdulot ng pagtaas ng kaso ay nakahanda na ang contingency plan ng city government para sa reactivation ng mga Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs).
“To manage our isolation and quarantine facilities and in collaboration with hospitals, we make sure that if cases are asymptomatic, mild or moderate and home quarantine is possible with the residence meeting standards, then home quarantine is allowed.”
Aniya tanging may severe cases lamang ay dadalhin sa ospital at sa temporary treatment and monitoring facilities.
Muling nanawagan si Magalong sa publiko na doblehin pa ang pag-iingat lalo ngayong panahon ng tag-lamig at panatilihin ang health protocols at magpa-bakuna at booster laban sa severe symptoms ng COVID.
Zaldy Comanda with reports of Pigeon Lobien/ABN
January 23, 2022
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025