Nagumpisa umano ang online gaming operation ni “Boss JT” bandang 2020 pa. Nag-lie low nga lang daw noong mag utos si Pangulong
BBM na itigil na lahat ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) saan mang lupalop ng bansa. Umaamin naman ang PAGCOR na mula noong POGO ban ni BBM noong Hulyo 2024, nagsulpotan naman ang Philippine Inland Gaming Operations (PIGO). Ngunit kahit wala pang ban sa PIGO mula kay Pangulong BBM, tama bang pabayaan ang online gaming operation ni “Boss JT” gayong wala namang malinaw na sanction ang PAGCOR sa pagpapasugal nito?
Bilang katunayan ng tila pagpapabaya ng mga otoridad na itinalagang tumutugis dapat kay “Boss JT” ay nakarami na raw itong mga ari-arian, bahay, magagarang sasakyan, marahil mga baril pandigma at mga bisyo dahil sa limpak-limpak na kita nito sa iligal na gaming-gambling operation ng halos kalahating dekada na. Tutuong nakakatulong sa empleyo si “Boss JT” dahil sa dami ng kanyang “loaders”
(taga kuha ng taya at taga intrega ng taya bia gcash) na nasasahuran ng 5-6K bawat linggo, iligal pa rin ito.
Pangalawa’y, dahil hindi nagbabayad ng karampatang buwis sa pamahalaan simula pa noong nag-umpisa ang illegal gaming operation, ilang milyon na ang ipinagkait nito sa kaban ng bayan na dapat naigugugol sa mga social projects ng pamahalaan sa pamamagitan ng PAGCOR. Pangatlo’y, hindi ba inilugmok ni “Boss JT” sa pamamagitan ng kanyang iligal na online gambling operation sa kasadlakan ang mga naging adik na sa online gaming, maski mga kabataan sa Ilocos Norte at kung saan pa umaabot ang “palaro” nito? Hindi ba nakikita ng mga otoridad na itinalagang mangalaga sa kapakanan ng nakararaming mamamayan na dapat inuusisa at pinapanagot si “Boss JT” sa iligal na gawaing ito?
March 22, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 8, 2025