BAGUIO CITY – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang online seller, matapos itong arestuhin sa isinagawang buybust
operation sa Barangay Middle Quirino Hill, Baguio City, noong Nobyembre 16. Kinilala ang naarestong
suspek na si Ferlinda Malamanig Fernandez, 50, online seller at residente ng Barangay Aurora Hill, Baguio City.
Sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at City Intelligence Unit (CIU), nagbebenta ang suspek ng isang transparent plastic cellophane na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 4.8 gramo ang bigat at may Standard Drug Price na P32,640.00. sa isang operatiba na nagsilbing poseur buyer. Ang iba pang nasamsam sa kanya ay tissue paper na
ginamit sa pagbabalot ng hinihinalang shabu, cellphone, ampaw envelope, at buy-bust money.
Ang imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya ay isinagawa on-site sa presensya ng naarestong suspek at sinaksihan nina Prosecutor Genevieve Ayochok at Barangay Kagawad William Height ng Dizon Subdivision, Baguio City.
Zaldy Comanda/ABN
November 19, 2022
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025