La Trinidad, Benguet — Umabot sa of Php17,484,200 halaga ng tanim na marijuana ang sinunog ng mga otoridad sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Mountain Province at Kalinga noong nakaraang Agosto 19 hanggang 24 ng taong kasalukuyan. Walang suspek na nahuli sa isinagawang operasyon ng kapulisan.
Ayon sa salyasay Brig.General Israel Ephraim Dickson, regional director ng Police Regional Office – Cordillera sa lalawigan ng Mt. Province apat na plantasyon na boundary ng Mt.province at Kalinga na may mga tanim ng marijuana na may bilang ng 52,800 na nagkakahalaga ng P13,200.000.
Sa lalawigan ng Kalinga, nagsagawa ng marijuana operation ang pwersa ng kapulisan Tinglayan at Rizal kasama ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ay kanilang sinira ang halos 19,800 “fully-grown Marijuana plants” namay halagang P 3.9 milyon sa barangay Ngibat, Tingalayan, Kalinga.
Nag-ulat din si Police Col. Lyndon Mencio ng Benguet Provincial Police Office na may roon silang sinunog na plantasyon ng marijuana sa na may halagang P304,000 .00. Natagpuan ng Benguet police aniya ang taniman sa bayan ng Bangaw, Kayapa, Bakun at sa may Palina sa bayan ng Kibungan.
Umabot rin sa P20,000 halaga ng marijuana ang nasira ng Ifugao Provincial Police Office sa barangay Balunglung, Hucab, Kiangan, noong Agosto 24, 2019. Nalita ng mga otirdad ang nasabing plantasyon na nalkatanim sa 400 square meter na lote na pag-aari umano ng isang pastor na dating kagawad sa nasabing barangay.
Ayonsa pulisya may isinampa ng kaso laban sa may-ari ng lote at sa umuupa di uamno sa nasabing lupa.
Ayon pa kay Dickson , “We will continue to gain success, I am then encouraging all the troops to maintain and strengthen partnership with the community because they know their area more than we do and that they are the ones who can really help us thru information”.
PROCOR RPIO
September 3, 2019