BAGUIO CITY – Sa unang pagkakataon ay matutunghayan sa country’s Summer Capital ang outdoor cinema na magaganap sa Loakan Airport at Burnham Lake na magiging highlights sa kauna-unahang will feature for Montañosa Film Festival (MFF) sa Marso 20 hanggang 28, na may temang “Crossing Borders.”
Mula sa 25 film proposals ay 10 short film ang napili para sa competitions at ipapalabas sa wide screen bilang outdoor “movie house” sa na ilalagay sa Loakan Airport Drive-in at Burnham Lake.
Ang sampung short films ay kinabibilangan ng 10,000 ERRORS, 14 Days, Duron,Igem ni Nanang, Pukis,Panaginip,Pangsasan,The Highest Point, The Scaffold Farmer at This Day.
Ang Montañosa Film Festival ay obra-maestro ni Festival Director Ferdie Balanag,kilalang independent internationally awarded film maker, na ang selebrasyon ay maisulong ang turismo sa larangan ng independent film making,para ipakita sa mundo ang kultura at tradisyon sa kasaysayan ng Cordillera.
Ayon kay Balanag, sa Marso 27-28 ay ipapalabas ang short films sa Burnham Lake mula sa itatayong 12 feet by 18 feet screen sa may observation deck,habang ang mga manonood ay nakasakay sa boat.
“Libre yong panonood, pero yong boat ay may rental,hindi ko lang alam kung magkano at depende ito sa concessionaire.”
Sa Marso 25-28 ay magaganap ang drive-in cinema sa major venue partner sa Loakan Airport sa gilid ng Arrival / Departure area at limitado lamang sa 50 sasakyan na ang bawat isa ay lulan ng apat katao.
“Sa umaga ay magkakaroon muna tayo ng shows sa airport na tinawag nating Musiklamon Food and Music Fair which will feature local musicians and local culinary experiences at bago lumubog ang araw ay saka sisimulan ang film showing: wika ni Balanag.
Ipriprisinta din ng MFF ang ilang international film categories, ang Euro Cine, Cine Asya, the Luzviminda Collection,at Cine Cordillera, y mapapanood din sa iba’t ibang MFF screening partners,kabilang ang Baguio Country Club, Grand Sierra Pines Baguio, Holiday Inn Baguio City Centre, Le Monet Hotel, at The Manor at Camp John Hay.
Balanag said “for the inaugural staging of the Montanosa Film Festival, I decided to explore new normal methods of staging an event making sure that it conforms to health and safety protocols and while the showing are outdoor, the public is asked to pre-register for a limited slot.”
Ang Opening Gala ay gaganapin sa Marso 20 sa Baguio Convention Center tampok ang exclusive screening of National Artist Kidlat Tahimik’s film, Balikbayan #1: Memories of Over development Redux III, na pasisinayaan ng performances mula sa Ballet Baguio at Timpuyog Ti Gangsa.
Ang MFF ay official city event na suportado ng Executive Order No. 6, Series of 2021 ni Mayor Benjamin Magalong, na nagtatalaga bilang MFF Week ang Marso 20-28 sa siyudad ng Baguio.
Zaldy Comanda/ABN
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025