P1.2B TUPAD program inilaan para sa 200k displaced workers sa Cordillera

BAGUIO CITY – Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Cordillera na nasa 159,173 displaced workers ang nabiyayaan na ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program , mula sa target na 200,00 na pondong P1.2 bilyon para sa rehiyon ng Cordillera.
Nathaniel Lacambra, regional director ng DoLE, noong 2021 ay may kabuuang P840,248 milyon ay naipamahagi sa 141,709 beneficiaries ng TUPAD program ng pamahalaan, samantalang P94,700 milyon naman ang naimahagi sa 17,464 workers sa unang quarter ng taon 2022.
Ayon kay Lacambra, ang programa ay tulong ng pamahalaan sa mga displaced workers bilang emergency employment na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya sa pamamagitan ng community projects sa loob ng minimum na 10 araw at hindi lalagpas ng maximum 30 araw.
Ipinaliwanag ni Lacambra na may mga guidelines na sinusunod sa pagkilala sa mga beneficiaries para sa programa at hindi kwalipikado dito ay ang barangay officials, barangay health workers, Tanods, 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino
Program) member at senior citizens na may benepisyo sa ibang ahensya ng gobyerno.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon