P1.3M shabu nasakote sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Sa kabila ng umiiral na COVID-19 dilemma, hindi isinasaintabi ng Benguet Provincial Police Office ang kanilang kampanya sa illegal drugs, na nag-resulta ng pagkakakumpiska ng pinamalaking gramo ng shabu sa bayan ng Buguias, Benguet.
Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director, may kabuuang 200.4 gramo ng P1.3m shabu on page 7 shabu, na may street value na P1,361,000.00 ang nasamsam sa matagumpay na buy-bust operation ng magkakasanib na tauhan ng Buguias MPS, Benguet PMFC, BenguetPDEU, PIU, RID PROCOR and RIU-14 sa Sitio Dontog, Catlubong, Buguias, Benguet.
Ayon kay Ragay, naaraesto ng mga operatiba ang suspek na si Marson Bayas Ballusong, 33, farmer, ng Dontog, Catlubong, Buguias, Benguet. Nakatala ito bilang High Value Individual (HVI) at nakabilang sa Top Ten personality on illegal drugs ng Police Regional Office
Cordillera.
Sa imbestigasyon, isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas 9:50 ng gabi ng Abril 30.
Unang nakumpiska sa operasyon ang isang small heat-sealed plastic sachet containing suspected “shabu” na may timbang na 0.4 grams at may halagang na P1,000.00.
Kasunod nito ay narekober din sa suspek ang isang P1, 000.00 bill na buy-bust money; isang transparent cellophane containing suspected shabu na naglalaman ng 200 gramo at may street value P1, 360,000.00; isang improvised tooter, isang weighing scale, dalawang lighters; isang scissor, isang nokia keypad cellular phone, 1 pack of small transparent plastic sachet, isang rolled aluminum foil at BIR ID.
Ayon pa kay Ragay, isinagawa ang on-site inventory sa presence nina Brgy Kagawad Novim Matunoo at media representative Jomar Sacpa. Isinampa ang paglabag sa Article II, section 5, 11 and 12 of RA 9165 laban sa suspek na ngayon ay nakakulong sa Buguias MPS.
Labis na pinuri naman ni PROCOR Regional Director BGen. R’win Pagkalinawan ang mga operatiba sa kanilang patuloy na operasyon kontra sa illegal na droga, sa kabila ng umiiral na ECQ.
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon