P11.8-B infra-projects sa Pangasinan, inilaan ng NEDA-1

LINGAYEN, PANGASINAN – Naglaan ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa Ilocos region ng P11.8 bilyon para sa construction ng flood control projects, mga kalsada at paliparan sa probinsiya ng Pangasinan ngayong taon sa ilalim ng Regional Development Investment Program.
Sinabi ni NEDA 1 (Ilocos) Director Nelson Rillon na dalawang flood control projects sa districts 3 at 6 ay popondohan ng P8.8 bilyon.
Aniya, ang flood control projects ay ang Lower Agno River Irrigation System Improvement Project sa Rosales, Sto. Tomas, Alcala at Bautista; at ang Allied Rivers Improvement Project sa Dagupan, Calasiao at Sta. Barbara.
Inilaan din ang P11.3 milyon para sa Lingayen Airport at P2 milyon para sa Rosales Airport, gayundin ang P2.9 bilyon para sa limang road constructions ng districts 2, 4, 5 at 6, aniya.
“These are road projects in Mangatarem- Sta. Cruz Zambales road; Lingayen By-Pass road; Rosario-San Fabian By-Pass road; Urdaneta City By-Pass road at Pangasinan-Nueva Vizcaya road,” ani Rillon.
Sinabi pa niya na ang mga proyekto ay ipapatupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines, National Irrigation Authority, at ng Department of Public Works and Highways. H.AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon