P14-M INILAAN PARA SA HEATER NG BAGUIO SWIMMING POOL

BAGUIO CITY

Naglaan ng P14 milyon ngayong taon ang city government para sa pagkukumpuni ng heater sa Baguio Athletic Bowl Swimming Pool. Ayon kay Sports Development Officer Gaudencio Gonzalez, apat sa walong heater ng pasilidad ang sira, kaya nararapat itong mapalitan agad para magamit ng ating mga atleta. “Kalahati na lang ng mga heater ang gumagana kaya nahihirapan kaming painitin ang tubig sa 25-meter warm-up pool at 50-meter main pool,” aniya. Dagdag pa niya, mas lumala ang sitwasyon noong bumaba ang temperatura nitong
mga nakaraang buwan. “Kahit gamitin ang lahat ng heater, hindi pa rin ito sapat upang mapanatili ang tamang init ng tubig,” paliwanag ni
Gonzalez.

Sinabi rin niyang hindi pa tapos ang rehabilitasyon ng swimming pool. “Hindi pa nagagamit ang 25-meter pool kaya sa 50-meter pool lang nakakapagpasaya ang mga atleta,” dagdag niya. Pansamantalang binuksan ang pasilidad dahil wala nang ibang swimming pool na
magagamit para sa ensayo at kompetisyon. Hinimok ni Gonzalez ang mga atleta na magtiis muna habang hinihintay ang pagkukumpuni ng heater. Hindi pa tiyak kung kailan sisimulan ang paggamit ng ?14 milyong pondo para sa pagkukumpuni.

Jobinthod Ampal/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon