P18-M MARIJUANA PLANTS SINUNOG SA BENGUET

KIBUNGAN, Benguet

Binunot at sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)—Cordillera Baguio/Benguet Provincial Office at Kibungan Municipal Police Station, ang mahigit sa 90,000 fully grown marijuana plant sa dalawang-araw na eradication magkakahiwalay na bulubundukin ng Kibungan, Benguet, noong Abril 1-2. Nabatid na inakyat ng grupo ang mga bulubundukin ng Sitio Loccok, Barangay Badeo at tumambad sa kanila ang may 9,000 square meters na taniman ng marijuana na may kabuuang halagang P18,000,000.00.

Sinunog ng mga awtoridad ang lahat ng halaman ng marijuana sa lugar, kabilang ang 50,000 halaman mula sa unang lote na nagkakahalaga ng Php 10,000,000.00 at humigit-kumulang 40,000 halaman na nagkakahalaga ng Php 8,000,000.00 mula sa pangalawang lote. Ayon sa PDEA, bagama’t wala silang naabutang cultivator ay patuloy ang kanilang isasagawang marijuana eradication sa plantasyo sa iba’t ibang bahagi ng ng Cordillera.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon