P185M PONDO IBINIGAY NG DOH PARA SA PANGKALUSUGANG PROGRAMA SA ILOCOS SUR

VIGAN CITY, Ilocos Sur

Aabot sa PhP150 milyong pondo ang ipinagkaloob ng Department of Health (DOH) sa pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Sur at PhP35 milyon naman para sa lokal na pamahalaan ng Vigan City para sa implementasyon ng iba’t-ibang proyektong pangkalusugan. Mismong si DOH
Secretary Teodoro Herbosa ang nag-abot ng pondo kay Governor Jeremias Singson sa pagbisita nito sa Provincial Capitol at kay Vigan City Mayor Jose Singson, Jr. sa ginanap na groundbreaking ceremony ng Vigan City Primary Care Facility (PCF)-Infirmary kung saan siya ang nagsilbing panauhing pandangal.

Ayon sa DOH, ang nasabing pondo para sa pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Sur ay nakalaan para matapos ang limang palapag na Medical Arts Pavilion sa Ilocos Sur Provincial HospitalGabriela Silang (ISPH-GS). Maliban dito ay namigay din ang DOH ng mga medisina para sa nasabing ospital. Tinanggap naman ng lokal na pamahalaan ng Vigan ang iba’t-bang medical equipment gaya ng fetal doppler, weighing scale para sa mga sanggol, weighing scale na may BMI
calculator, examining table, dressing cart, at instrument cabinet.

Ito ay para sa barangay Camangaan, Capangpangan, San Pedro, at Barangay II. Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Secretary Herbosa ang suporta ng DOH sa mga lokal na opisyal na patuloy na nagtataguyod at tinutugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng kanilang komunidad.
“Lahat ng pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan ay maibibigay natin sa pamamagitan ng pagtutulungan at suporta ng lahat ng ating mga local government units, partner
agencies, at mga stakeholders.

Magtulungan tayo na ma-attain ang Healthy Pilipinas, bawat buhay ay mahalaga tungo sa
bagong Pilipinas,” ani Herbosa. Binisita rin ni Herbosa ang kasalukuyang itinatayong Medical Arts Pavilion sa ISPHGS.

(JMCQ-PIA Ilocos Sur/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon