P18M marijuana nasabat, 8 arestado sa droga

Mar 31, 2018

PROCOR CAMP BADO DANGWA, LA TRINIDAD, BENGUET – Mahigit P17 milyong halaga ng marijuana ang sinunog ng pulis ng Cordillera sa Kalinga at tinatayang P600,000 na napatuyong marijuana ang nakumpiska habang walong katao ang naaresto dahil sa droga sa iba’t ibang operasyon ng kapulisan sa rehiyon noong Marso, kabilang rito ang isang menor de edad na nagbenta ng shabu.
Sa Kalinga, kinilala ang mga drug pusher na sina Federico Rivera Sarne aka Ricky Sarne, 48, tricycle driver, residente ng Laya East, Tabuk City, Kalinga na naaresto hapon ng Marso 23, 2018 sa Provincial Rd., Brgy. Magsaysay, Tabuk City, Kalinga, habang si Billy Jack Magana Sanchez, 24, residente ng Tesco Street, Timog Park, Lower Angeles City ay naaresto sa Mangapi Buscalan, Tinglayan, Kalinga umaga ng Marso 24.
Nakuha kay Sarne ang tatlong maliliit na heat-sealed plastic transparent sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu; dalawang Cherry Mobile cellphones, isang wallet na mayroong P2,355 cash at dokumento, at P1,000 na buy bust money. Nakuha naman kay Sanchez ang anim na bundle ng marijuana stalks na may bigat ng halos 6 kilo, at apat na pirasong marijuana bricks na may timbang ng halos 4 kilo na nakita sa kaniyang backpack.
Sa isa pang operasyon, naaresto ang mga pasaherong sina Mary Paulette Arpon Lazaga, 21, residente Irisan, Baguio City; at John Paul Ponceja Alimpia, 34, residente ng Upper Dagsian, Baguio City na sakay ng sky blue Toyota Corolla at minamaneho ni Rogelio Abellada Kintanar Jr., 38, residente ng Upper Engineers Hill, Baguio City. Naharang ang mga suspek hapon ng Marso 17 sa Sitio Mar-O Junction Road papuntang Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga. Nakumpiska ang iba’t ibang marijuana fruiting tops na may timbang ng halos 5,540.5 gramo na may dangerous drug board value na P692,500 na nakalagay sa isang dark blue bag.
Sa Baguio City, tatlong drug pushers kung saan isa ay menor de edad ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation matapos silang mahuling nagbebenta ng illegal na droga sa isang agent na nagkunwaring poseur buyer.
Kamakailan, isang 16 anyos na residente ng New Lucban, Baguio City at tubong Naguilian, La Union ang ipinunta sa kustodiya ng City Social Welfare and Development Office hapon ng Marso 23. Nakuha sa menor de edad ang apat na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, P2,000 boodle money, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Naaresto naman ang mga suspek na sina Marlon M. Biala, 31, waiter, residente ng Lower Pinget, Baguio City at Dingky Joy B. Tabora, 36, businesswoman, at resident ng Middle Pinget, Baguio City; sa kahabaan ng Lower Rock Quarry, City Camp, Baguio City madaling araw ng Marso 18. Nakuha sa mga suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, P500 buy-bust money, dalawang unit ng Sony Xperia cellphone at ang puting Toyota Hi-Ace super custom van na may plakang WNL 779.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang ipinila laban sa mga nahuling suspek.
Sinabi ni PCSupt Edward Carranza na ang patuloy na pagkakahuli sa mga drug pusher ay dapat maging babala sa ibang indibidwal na sangkot sa illegal drugs at ang PNP ay hindi titigil sa kampanya upang maalis ang Cordillera sa panganib.
Inutusan din niya ang lahat ng station commanders na tutukang mabuti ang mga pulis at iba pang law enforcement agents na may kaugnayan sa illegal drug operations, kung saan ang mga aktibidad ay makakasira sa polisiya at kampanya ng PRO-COR kontra illegal na droga.
Samantala, mahigit P17.480 milyon na halaga ng marijuana ang binunot at sinunog sa 15 na nadiskubreng taniman sa Kalinga noong Marso 24.
Ang malawakang pagsira sa mga naturang taniman ay sinimulan sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga kung saan siyam na marijuana plantation sites ang nakita na may 44,700 fully grown marijuana plants at 3,900 marijuana seedlings. Patungo sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga, ay nakita rin ang anim na plantation sites na may 40,000 fully grown marijuana plants at 9,600 marijuana seedlings.
Walang naarestong nangangalaga sa mga taniman ang mga awtoridad, ngunit ang mga marijuana ay binunot at sinunog din sa mga naturang lugar. PROCOR RPIO / ABN

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest