SAN FERNANDO CITY, La Union – Isang malaking accomplishment ang sumalubong sa bagong itinalagang regional director ng Police Regional Office-1 (PRO!), makaraang maka-iskot ng 40 kilong shabu na may halagang
P272 milyon ang mga pinasanib na law enforcement noong Biyernes ng hapon ng Agosto 12.
Si BGen.Belli Tamayo ang bagong regional director ng PRO1, na itinalaga umaga ng Agosto 12. Ang matagumpay na buybust ay isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1, National Capital Region (NCR), Police Regional Office 1, Team Navy at iba pang law enforcement units, ay nag-resulta ng pagkakabuwag ng isang
hinihinalang sindikato ng droga sa Ilocos Region.
Arestado ang dalawang suspek na nakilalang sina Romel Leyese, 38 at isang John Paul, matapos ang buy-bust
operation dakong alas 12:45 ng hapon sa Ilang Ilang St., Barangay Poro, San Fernando City,La Union. Sa Pangasinan, sinalakay ng mga tauhan ng PDEAPangasinan ang isang bodega hapon ng Agosto 12 at nadiskubre na naglalaman ng mga bultu-bultong pinaniniwalaang shabu na umaabot sa halagang P2.5 bilyon.
Isang Chinese national at 3 filipino ang naaresto, na hinihinalang mga bigtime shabu supplier ay muna pinabanggit ang mga pangalan, habang masusing ini-imbestigahan ang mga ito. (with report from Liezel Basa)
Zaldy Comanda/ABN
August 13, 2022
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025