P2-M HALAGA NG SIGARILYO, VAPES, WINASAK SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Mahigit sa P2 milyong halaga ng sigarilyo at vapes, ang sinira na nakumpiska ng mga tauhan ng City Health Services
Office-Smoke Free Baguio City, ang sinira sa harapan ng publiko sa Malcolm Square, Baguio City, noong Agosto 8.
Ang pagsira sa mga nakumpiskang sigarilyo at vapes ay naglalayong ipakita sa publiko, lalo na sa mga kabataan, ang seryosong kampanya ng city government na pangalagaan ang buhay at pagprotekta sa kanila mula sa masamang epekto ng mga produktong tabako at tuluyang makamit ang Smoke-Free Baguio City.

Binigyang-diin ng CHSO head na si Dr. Celia Flor Brillantes na ang lungsod ay patuloy na kumikilos upang maalis ang paninigarilyo upang ang mga tao ay maging malaya sa anumang mga sakit sa paghinga sa Baguio. Pinaalalahanan din ni Committee on Health and Sanitation chairperson Councilor Betty Lourdes Tabanda ang lahat
na magtulungan para maging tunay na Smoke-free city ang Baguio. “Muli, huminga tayo sa Baguio, huminto sa
paninigarilyo, at huminto sa vape,” dagdag ni Konsehal Tabanda.

Ang mga sinirang sigarilyo at vape ay nakumpiska ng Smoke Free Task Force nitong mga nakaraang taon mula sa mga paaralan at mga illegal vendor at ito ay itatapon ng maayos ayon sa guidelines ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang destruction ay sinaksihan din nina Councilor John Rhey Mananeng, CHSO
Medical Officer Donnabel Panes, Public Order and Safety Division chief Daryll Longid, mga kinatawan mula sa Smoke-free Task Force, mga institusyong pang-edukasyon-University of the Cordilleras, Saint Louis University, University of Baguio, Pines City Colleges, Transcend, Philippine Academy of Family Physicians, Philippine College of
Chest Physicians, Philippine College of Occupational Medicine, Philippine Medical Association Baguio-Benguet, at
Parents Against Vape, at iba pa.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon