Hanggang ngayon, usapusapan pa rin saan mang sulok ng bansa kung nasaan na raw yong
pangako ng Pangulong Marcos Jr. na beinte pesos kada kilo ng bigas? Tuloy salasalabat din ang mga reaksiyon: “Impusipos” – upak sa Ilokandia. “Kalokohan”- bira naman ng mga praktikal. “Que
sira sira”- daplis naman ng mga nagmamarunong na magkastila. Kung buhay ang lolo ng lolo ko…tiyak na sasabat ng: “Que Barbaridad”…na laging laman ng dila kapag nagmumura.
Di ko lang tiyak kung alam niya ang ibig sabyan. Sige, kung ano pa ang inyong say…upakan natin ang isyu: Kung ang mga magsasaka ang ating tatanungin….tiyak na iisa ang sagot: papano mo
ibebenta ng P20/kilo ang bigas eh, kulang pa yan na pambili ng abono? Kung hindi inyo ang lupa, papano ang renta? Marami pang gastusin mula sa preparasyon bago magpunla hanggang sa pag-aani at pagpapatuyo ng palay.
Grabe ang gastos. Kaya napakaimposible ang P20/ kilo ng bigas. Kaya nga’t paunti na nang paunti ang bilang ng mga sakahan o sinasakang lupa dahil ibinebenta na. Malaki kasi ang gastusin sa pagsasaka tapos babaratin ka pa ng mga buyers. Mas lalo ka pang babaratin kapag nabasa o hindi
maganda ang iyong aning palay. Ang seste, kapiranggot na nga lang ang kita dahil nabarat ang ani, kapag nagbenta si negosyante, sandamukal naman ang patong. In short, “hampasabol” daw ang P20/kilo ng bigas.
Ang lohika naman sa likud ng pangarap na P20/kilo ng bigas ay ito: ayon sa mga nakakaunawa, kung kayang mapababa ang presyo ng abono, pupwede ang pangarap na P20.00. Ang kaso, ayaw naman magpakalugi ang mga negosyante ng mga materyales na gamit sa pagsasaka lalo na ang mga pataba at pestesidyo. Kung pipilitin ng gobyerno na maglaan ng pondo upang ilagak bilang subsidiyo, saan kukuha ng pondo at tiyak lugi naman ang gobyerno. Eh, ang pera ng gobyerno ay pera ng bayan, di ba?
Gusto ba nating malugi ang madlang-people? Kung uutang na naman ang gobyerno…sus maryusep, sandamakmak na nga ang trilyones nating utang, dadagdagan pa natin? Suhestiyon naman ng ilang analysts: huwag na ang target na P20 kundi gawin na lang P27/ kilo, makatotohanan pa. Ang kaso, sa ating paglilibot sa mga bentahan ng bigas, yong para sa pakain ng manok at aso na klase ng bigas ay mahigit trenta pesos na at yong sinasabing malambot at primera klaseng bigas ay lagpas P50/kilo.
Kaya siguro para matigil na ang sisihan sa P20/kilo ng bigas, tanggapin na lang natin ang katotohanang mahal ang mga bilihin sa maraming kadahilanan. Mangarap tayo na maging
“SUSTAINABLE” ang ating bansa na hindi gaanong umaasa sa importasyon. Mas mainam na
matuto ang lahat na magtamin, kahit pansariling pagkain. Matutong kumain ng rice alternatives kagaya ng mais at kamote. At higit sa lahat, iwasan ang UNLI-RICE.
Mulat tayo sa katotohanang marami ang nasasayang na KANIN. Mahalin natin ang mga magsasaka. Suportahan natin ang ating gobyerno. Tulungan natin ang ating sarili. At maaaring maging possible ang ating mga pangarap. Adios mi amor, ciao, mabalos.
April 22, 2023
April 22, 2023
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024