LA TRINIDAD, Benguet
Arestado ang apat na katao matapos mahulihan ng P3.6 milyong halaga ng dried marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa Barangay Betag, La Trinidad, Benguet noong Mayo 7. Ayon PDEA Regional Director Derrick Arnold Carreon, nahuli ng magkasanib na operatiba ang apat na peddlers matapos magbenta ang isa sa kanila ng 30 piraso ng humigit-kumulang 30 kilo ng hugis tubular na nakabalot sa mga hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na may mga tangkay. Bukod dito, nasabat din ang isang itim na Toyota Fortuner na nagkarga ng iligal na droga. Sinabi ni Carreon na dalawa sa mga suspek ay mula sa
Santol, La Union, habang ang dalawa naman ay mula sa Tublay, Benguet. Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Zaldy Comanda/ABN
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025