P3.9 BILYON HALAGA NG SHABU NAREKOBER SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Labis na pinuri ni Mayor Benjamin Magalong ang kapulisan sa agarang pagkakadiskubre ng imbakan ng shabu sa isang upahang bahay sa Barangay Irisan,Baguio City noong Marso 29.
“I would to thanked our PNP,PDEA, NBI, dahil sa kanilang koordiasyon ay agad nilang natunton ang malaking imbakan na ito sa sating siyudad.” Sa progress report ng Police Regional Police OfficeCordillera, may kabuuang 574,800 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may Standard Drug Price na P3,908,640,000 ang narekober sa loob ng bahay sa No.035-A Purok 4, Barangay Irisan, Baguio City.

Isang Chinese national na nagngangalang Ming,Hui,51, alyas Tan, ang nadatnan ng mga operatiba sa pangunguna ni Lt.Col.Dinky Del-ong,chief ng Regional Drug Enforcement Unit (lead unit), matapos pasukin ang inuupahang bahay dakong alas 8:55 ng umaga sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Rufus Gayo Malecdan,Jr.,ng Regional Trial Court,Baguio City. Narekober ng mga operatiba ang mahigit sa 500 pirasong sealed tea bag na may Chinese markings na
naglalaman ng higit sa tigisang kilo ng shabu.

Agad na nagtungo si Secretary of Interior and Local Government Benhur Abalos, para personal na makita ang nadiskubreng pinakamalaking shabu na inimbak sa siyudad ng Baguio. Panawagan nito sa mga taga Cordillera,”Huwag po kayong mabigla, dahil ito ay nakaimbak dito,hindi na naman ito distribution only for Cordillera or for Baguio City. Maaring ginamit lamang na imbikan dito at maaring ikalat sa iba’t ibang lugar, kaya sa nangyaring ito ay apektado ang buong bansa dito.”

Aniya, naka-focus ang pamahalaan,lalong lalo ang kapulisan sa kampanyang war on drugs,kasabay ang panawagan sa komunidad,mga barangay officials na makipagtulungan para labanan ang iligal na droga. Napag-alaman na mahigit sa tatlong buwan ng minamanmanan ang nasabing bahay na inupahan lamang para gawing imbakan ng droga.

Ayon kay Abalos, malaki ang kanilang paniwala na ang nakuhang droga sa Baguio City ay posibleng parte ng nadiskubreng 900 kilong shabu kamakailan sa Metro Manila, dahil pareho lamang ang markings o’ pinaglagyan nito. Ang suspek ay nasa kustodiya ng City Drug Enforcement Unit ng Baguio City Police Office habang inihahanda ang pagsampa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165,habang mga nakumpiskang shabu ay nasa pag-iingat ngayon ng Regional Forensic Unit sa Camp Bado Dangwa,La Trinidad, Benguet.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon