BAGUIO CITY – Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Anti- Illegal Drugs Task Group ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 1,783 tablets ng suspected Ecstasy mula sa isang parcel gaing ng Germany na i-diniliver sa isang consignee sa siyudad ng Baguio noong Huwebes, Agosto 12.
Sinabi ni PDEA Regional Director Gil Ceasario Castro, ang nakumpiskang ectasy ay may Street Drug Price na P3,031,100.
Ayon kay Castro, ang nasabing parcel ay tinanggap ni Elisa Agguirre Millare, 53, filipino, married, at residente ng
26 AB Sitio Mabilog, New Era, Quezon City, dakong alas 12:30 ng hapon sa harapan ng Bristle Ridge condominium, Ambuklao Road, Baguio City.
“Sa nakuha naming dokumento, binigyan ni San Antonio si Millare ng authorization letter para tanggapin ang parcels, dahil hindi daw makaakyat ng Baguio si San Antonio na nakalockdown sa Pasig,” paliwanag ni Castro.
Aniya, ang task group ay kinabibilangan ng PDEA, Bureau of Customs, at National Bureau of Investigation (NBI), na nagsagawa ng random paneling kung ang nasabing parcels na mula sa airport ay dumating na sa Baguio City.
Agad nagsagawa ng operation ang task group para sa delivery ng parcel na ipinadala ng nagngangalang Fostina Obobo, ng Romerstrasse 40 41462 Neuss, Germany,na ang consigned ay si Joyce Ann San Antonio, ng Rm. 101 Bristle Ridge Residences, Pacdal Road, Baguio City 2600, Benguet, Philippines.
Nang i-deliver ito, ang parcel ay tinanggap ni Millare at nang bukasan ay nakabalot sa bed sheet ag isang pair of shoes na naglalaman ng isang improvised pouches na binalot ng duct tape at nakapaloob ang iba’t ibang kulay na tablet.
Ayon kay Castro, na-sopresa sila sa pagdating ng party drugs sa lungsod sa kabila wala naman nagaganap na patry simula noong lockdown noong 2020. “Walang parties na nangyayari dito sa Baguio kaya nakakapagtaka na dito dinala. Sa tingin natin plano nila gumawa ng hub para sa party drugs at test delivery itong nakuha na ito.”
Aniya, sasampahan naming ng kaso si Millare, pero may posibilidad na gawin witness ito laban sa consignee, kung may pangalang Joyce Ann San Antonio sa totoong buhay.
Zaldy Comanda with reports Artemio Dumlao/ABN
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025