P3-M halaga ng shabu nakumpiska, 2 tulak timbog sa buy-bust operation

CAMP FLORENDO, SAN FERNANDO CITY , LA UINON—Timbog ang dalawang tulak ng illegal na droga at nasamsam pa ang P3 milyong halaga ng shabu matapos madakip ang mga ito sa isinagwang buy-bust operation noong Hunyo 20, 2022 sa Sitio 1, Barangay San Marcos, San Nicolas Ilocos Norte.
Sa ulat kay P/Brig.Gen. Westrimundo D.Obingque, regional director ng PRO-1 nakilala ang mga suspek na sina John Mark Dinong y Dipig, 33 Brgy. Balioeg, Banna, Ilocos Norte ang kanyang live-in partner na si Clifford Malana y Furuganan, 45 ng native of Aparri, Cagayan at kilalang Top Drug Personality sa lalawigan ng Appari, Cagayan.
Ayon sa police report, matapos malaman ang kinaroroona ng mga suspek ay bumuo ng composite team ang Provincial Police Drug Enforcement Unit kasama ang San Nicolas Police at ang PDEA-INFO upang isagawa ang nasabing buy-bust operation.
Isinagawa ang buy-bust operation dakong 12: 10pm matapos na magbenta ang mga suspek ng isang plactic na may laman diumanong shabu sa isang police-poser buyer sa Sitio 1, Barangay San Marcos, sa bayan ng San Nicolas.
Nasamsam din mula sa mga suspek ang ilang plastic na may lamang shabu bukod sa ibinenta sa poser buyer, isang black bag , 4 na aluminium foil isang glass tooter, isang gunting, 3 lighter , isang improvised shovel, isang Oppo cellphone at isang Taurus PT 1911 Cal.45 na may serial number na NDP 05094 na may kasamang magazine na may walong bala.
Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act ng 2002 .
Thom F. Picaña/ABN

Amianan Balita Ngayon