“Tatlo marijuana cultivator huli.”
TABUK CITY, Kalinga – Tatlong cultivator ang nadakip matapos aktong nahuling nag-aani ng marijuana plants sa isang plantasyon sa kabundukan ng Tinglayan,Kalinga.
Sinabi ni Police Regional Office-Cordillera Regional Director Ronald Oliver Lee, ang tatlong nadakip na sina Peter Bagtang, 22; Langao Bagtang, 70 at isang 17 taon ng gulang ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ayon kay Lee, ang mga tauhan ng Kalinga PPO, Regional Intelligence Division, RMFB15, PDEA-CAR, at Philippine Army ay magsasagawa ng
marijuana eradication noong Pebrero 27, nang matiyempuhan nila ang tatlong suspek may mga bitbit na baril at itak sa may Mt. Bitullayungan, Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga, habang nag-aani ng mga inaning marijuana plants.
Mabilis na nagsitakbuhan ang mga suspek nang makta nila ang padating na mga pulis, pero sila ay nahuli din. Nakuha sa kanila ang isang cal.22 with 12 live ammunition; isang cal. 9mm with 21 live ammunition with two magazines at isang 12 gauge ARMSCOR shotgun na may 4 na bala.
Ayon naman kay PDEA Regional Director Gil Castro ang pagkakahuli sa tatlong cultivator ay resulta ng sopresang operation sa ilalim ng “Oplan Herodotus Reloaded” na kung saan ay nagsagawa ng aerial inspection ang PDEA, PNP at Philippine Airforce sa mga plantasyon ng marijuana at nag-resulta ng pagkakasunog ng mahigit sa P350 milyong halaga ng marijuana sa mga kabundukan ng Tinglayan.
Zaldy Comanda/ABN
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025