P36.5-M SHABU, MARIJUANA NAKUMPISKA SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Nasamsam ng Police Regional Office-Cordillera ang hinihinalang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng P36.5
milyon sa buy-bust at eradication operations mula Abril 8 hanggang 14. Labing siyam na hinihinalang tulak ng droga ang arestado. Nakuha sa mga suspek ang shabu na may pinagsamang timbang na 23.96 gramo at nagkakahalaga ng P162,928.40. Labingtatlong operasyon ang isinagawa, kung saan naaresto ng Baguio City Police Office ang walong tulak ng droga, apat na tulak ng droga sa Benguet Police Provincial Office, Abra PPO at Kalinga PPO na may tig-tatlo, at Apayao PPO na may isa.

Labing-isa ang mga indibidwal sa antas ng streel at walo ang mga indibidwal na may mataas na halaga. Nahaharap
ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa kabilang banda, natuklasan ng pulisya ang 181,622 fully grown marijuana plants at 480 marijuana seedlings
na nagkakahalaga ng P36,343,400 sa 32 eradication operations sa Benguet, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao.

Zaldy Comanda/ABN

PARANGAL

Amianan Balita Ngayon