LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ng isang opisyal ng Department of Public Works and Highways – Cordillera Adminsitrative Region (DPWH-CAR) noong Miyerkoles na isinumite nila ang PhP38 bilyon rehabilitation project proposal para sa Kennon Road.
“Who knows, it could be funded,” ani Tiburcio Canlas DPWH-CAR regional director na sinabing hindi lamang ang Kennon Road ang kalsada sa bansa ang inaayos ng national government.
Ang panukalang full rehabilitation ay sakop ang rock netting, konstruksiyon ng isang viaduct, tunneling system at isang sabo dam sa demonstration dam, na maaaring daanan ng lahat ng sasakyan kahit sa masamang panahon.
Naging bukas-sara ang sitwasyon ng Kennon Road matapos ang lindol noong 1990 na nakaistorbo sa slopes nito kaya naging madaling gumuho ang mga ito lalo na kapag malalakas ang pag-ulan.
Sa ilang taon, ang kalsada ay agad isinasara matapos ang dalawang oras na walang-tigil na malalakas nap ag-ulan. Sa ilang mga buwan bago ang pagbubukas ng Nobyembre, mga residente lamang ang pinapayagang pumasok mula La Union hanggang Camp 7 sa Baguio.
“If it is done, Kennon will be an all-weather road for all types of vehicles and the infrastructures will be earthquake-proof,” ani Canlas, at sinabing hindi sila nawawalan ng pag-asa na magkatotoo ang plano dahil sa malaking halaga para isakatuparan ito.
Sinabi niya na ang lubos na rehabilitasyon ng Kennon Road ay maaaring hindi magyari sa pinakamadaling panahon kaya isang “short-term band-aid remedy” ang ipinanukala.
Sa pagtaya ng DPWH-CAR ay kailangan ng PhP3.6 bilyon para sa 21 critical sections ng 33 kilometrong-daan upang madaanan at palaging bukas sa mga sasakyan ito, na mas malapit sa realidad.
Sinabi ni Clifton Valencerina, DPWH-CAR chief for construction na mula sa pondo ng 2019 may tatlong kasalukuyang proyekto – dalawa ay pinamamahalaan ng regional office, isa ay nagkakahalaga ng PhP200 milyon na nasa 42 porsiyentong kumpleto na ngayon at ang isa ay 65 porsiyento ng tapos.
Kapuwa rock netting projects ang mga ito na mahahadlangan ang mga pagguho. Ang ikatlong proyekto na sakop ng kabuuang halaga ay pinamamahalaan ng Benguet 1-District Office na sakop ang slope construction. Ang 2020 projects ay sasakupin ang limang sections.
Samantala, sinabi ni Badette Foronda ng DPWH-CAR information office sa isang ulat noong Lunes na sa una, may siyam lamang na critical sections sa Kennon Road kung saan nangangailangan ang gobyerno ng PhP997 milyon para ma-rehabilitate.
Subalit sinabi niya na ang kamakailang sama ng panahon sa rehiyon ay lalong nagpalala sa kondisyon ng Kennon Road. Ang 14 sections ay magkakahalaga ng PhP1.94 bilyon na highest priority na ilan sa kanila ay ipinanukala para sa pagpopondo mula PhP507 milyon sa 2020. Ang natitirang mga section na nagkakahalaga ng PhP1.44 milyon ay hihilingin para sa karagdagang pondo sa susunod na taon.
Ang 14 sections ay nangangailangan ng rock netting na may slope trimming, retaining walls, crib walls, soil nailing- na sisiguruhin ang katatagan ng kalsada. Ang pitong sections na ikinokonsiderang second priority ay ipinanukala para sa pagpopondo sa mga susunod na taon.
PNA/PMCJr.-ABN
December 16, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025