P3M marijuana plants, winasak, limang drug personality nahuli

LA TRINIDAD, Benguet – Isa pang plantasyon ng marijuana ang sinalakay sa kabundukan ng Barangay Loccong,Tinglayan, Kalinga at nabunot ang humigit-kumulang 15,000 piraso ng fully grown marijuana plant na nagkakahalaga ng P3,000,000, habang limang drug personalities ang arestado sa patuloy na anti illegal drugs operation sa rehiyon ng Cordillera.
Sa ulat mula Hunyo-16, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Jhonel Yabo Brique, 20; Bernardo Maglantay Campos, 19; Jassem Karl Annay, 35; Limel Niko San Pedro, 34; at Jayson Aquino Bullo, 27. Ang mga suspek na sina Jhonel at Bernardo ay inaresto ng mga operatiba ng Baguio City Police Office sa pamamagitan ng pagbebenta ng isang plastic sachet ng shabu na humigit o kulang sa 0.5 gramo na may karaniwang presyo ng droga na P3,400.00 sa isang operatiba na nagsisilbing poseur-buyer.
Ang suspek na si Jayson ay inaresto ng mga operatiba ng BCPO Abano Police Station (PS7) matapos itong magbenta ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na humigitkumulang 1 gramo na nagkakahalaga ng P6,800.00 sa isang operatiba na nagsisilbing poseur-buyer.
Sa hiwalay na buy-bust operation, naaresto ang suspek na si Jassem ng mga operatiba ng BCPO Pacdal Police Station (PS3) matapos itong magbenta ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na humigitkumulang 0.5 gramo ang bigat na may SDP na P3,400.00 habang isa pang plastic sachet na naglalaman ng Nakumpiska sa kanyang possession ang hinihinalang shabu na humigitkumulang 0.5 gramo ang bigat.
Ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kustodiya ng kanikanilang operating units para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay isasampa laban sa mga naarestong suspek.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon